Evelyn's POV Hubo't hubad akong nagising sa kama. Nakatulog pala ako. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari nang makalabas si Daxon sa banyo kagabi. Wala naman akong naramdaman na kakaiba kagabi kaya baka natulog na rin ito. Pagtingin ko sa tabi ko ay wala si Daxon. Wala siya sa tabi ko. Anong oras na ba? Alas nuebe na pala ng umaga. Sigurado akong nakaalis na ito. Bakit hindi niya ako ginising? Ang sakit ng katawan ko. Para akong dinaganan ng ilang kilong bigas. Nananakit ang aking balakang at ang aking bewang. Dahil siguro ito sa pagpisil ni Daxon. Tumayo ako sa kama para maghilamos. Nagtungo ako sa banyo. Paglabas ko ay narinig kong nag-ring ang cellphone ko. Nagmadali na lamang akong lapitan ito. Hindi pa ako nakakapagbihis. Naka-tapis pa lang ako ng towel. Si Daxon, tum