Evelyn's POV Pabalang na binitawan ni Daxon ang kamay ko tsaka niya ako hinarap. "Anong ginagawa mo dito, Evelyn?" mariin ang pagbitaw niya ng mga salita. Galit na galit. "Nagtatrabaho ako." simpleng sagot ko. Muli niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Marahas siyang ngumiti. "Kaya ba ganiyan ang suot mo? Halos makita na ang kaluluwa mo. Nagbebenta ka na rin ba ng katawan katulad ng ibang babae dito?" Mabilis kong pinalipad ang kamay ko para sampalin si Daxon. Lumagapak ang palad ko sa kaniyang makinis na pisngi. "Hindi ako nagbebenta ng katawan. Nagtatrabaho ako bilang waitress." "Why do you have to work? Isn't it enough that you live in my house for free?" "Wala ka na doon." Tinalikuran ko siya ngunit hinila niya ako kaya napaharap ulit ako sa kaniya. Ang lakas ng kabog ng