101 [MISTAKE] DIVORCE

1992 Words

"Nasaan ako?" sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto na kinaroroonan ko. Hindi ako familiar sa kwarto ngunit sigurado akong hindi ito ang kwarto ni Daxon. Hindi rin ito ang kwarto ko. Maya maya ay narinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. May kasama ako dito. Unti-unti akong bumangon sa kama kahit sumasakit ang ulo ko. Nahihilo pa din ako kaya muntikan na akong matumba nang tuluyan akong makaalis sa kama. Sino kaya ang nasa loob ng banyo? Hindi kaya si Daxon? Ipinikit ko ang aking mga mata para isipin kung anong nangyari. Ang huli kong naalala ay lumabas ako ng club kasama—kasama si Regan. No! Hindi kaya si Regan ang nasa loob ng banyo? Hindi puwede 'to. Kailangan kong makalabas na dito. Kailangan kong makaalis bago pa siya makalabas ng banyo. Kumilos na kaagad ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD