"Hindi ako uuwi sa bahay mo. Dito lang ako." pakikipagtigasan ko kay Daxon. Habang naglalakad kami sa hagdanan ay nagtatalo kami. Alam kong maraming nakakarinig at nakatingin na maid. Hanggang sa tuluyan na nga kaming makababa. "Sa ayaw at sa gusto mo, Evelyn sasama ka sakin pauwi!" madiin at maawtoridad na sabi niya sa akin. Hinawakan pa niya ang braso ko. Kaagad ko naman itong winakli. "Ano bang problema mo, Daxon? Kung gusto mo umuwi, umuwi ka mag-isa. Hindi ba't gusto mo ng annulment? Ibibigay ko 'yon sa 'yo kahit na anong oras na gusto mo. Kahit ngayon, pipirmahan ko." Umigting ang kaniyang panga. "Sino ba pinagmamalaki mo? Si Draven ba? Kaya ba ang lakas ng loob mo ngayon dahil nandito si Draven?" Natigilan na lamang ako. Hindi ako nakaimik. Dahil nga ba kay Draven? Gusto k