104 [MISTAKE] NABITIN

2253 Words

"Pasensya na medyo natagalan ako." lumapit kaagad ako kay Draven tsaka inilapag sa table ang tray. Isa-isa ko itong inalis sa tray at inilapag sa mesa. "Napakarami naman yata niyan, Evelyn." nakangiting sabi ni Draven. "Dapat lang na kumain ka ng marami para gumaling ka." "Hindi na ako umaasang gumaling pa." "Huwag mo sabihin 'yan. Ano ka ba? Nandito ako oh! Aalagaan kita hanggang sa gumaling ka. Kaya open your mouth dahil susubuan kita." Natawa naman ito. "Hindi naman ako baldado para subuan mo." "Kahit na, gusto ko lang gawin 'to. Sige na please?" Wala na rin naman siyang nagawa. Hindi na siya nakatanggi pa sa akin. "Alam mo, mas pipiliin ko na lang siguro na magkaroon ng sakit." anito. Natigilan ako at sinamaan siya ng tingin. "Bakit naman? Ayaw mo na bang gumaling?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD