Star's POV "I love you, Star..." Biglang nawala ang kalasingan ko nang marinig iyon mula kay Damon. Ngunit ganoon na lamang ang paglungkot ng aking mukha ng bigla naman niya itong bawiin. Hindi pala para sakin 'yon kundi para sa kaniyang asawa, si Starlet. Nagising ako ng ala una ng hatinggabi. Nakaramdam kasi ako ng gutom. Sinulyapan ko naman ang aking tabi. Katabi ko si Damon at tulog na tulog habang ang tanging tinatakpan lamang ng kumot ang ang kaniyang bewang. Hindi ko alam kung nakapagbihis na ba siya ng pang-ibabang saplot ngunit pakiramdam ko hindi pa dahil mula sa makapal na kumot na nagsisilbing takip sa kaniyang kahubaran ay may naninigas naman na bagay na gustong kumawala mula sa takip nitong kumot. Huminga na lamang ako ng malalim bago tuluyang umalis sa kama. Nagugu