"Starlet, nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" muntikan na akong mabulunan dahil sa naging tanong ng mommy ni Damon. Nandito kami ngayon sa hapag kainan, sabay-sabay na kumakain ng tanghalian. Wala pa yatang balak na umuwi ang mommy ni Damon. Hindi ko naman siya pinapauwi, talagang naiilang lang ako sa kaniya at hindi sanay. Tumikhim na muna ako bago ko sinagot ang tanong niya. "Maayos naman po, mama." "That's good." Nagpatuloy na ulit ito sa pagkain. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi na ito nagsalita pa. Iniwasan ko talagang pumunta sa kusina dahil nahihiya ako sa ginawa namin ni Damon kagabi sa table. Nabasag kasi ito at ang pagkakaalam ko pinapalitan na ito ng mommy ni Damon. Hindi pa man ako nakababa ng kwarto kanina ay napalitan na ito. Ang couch naman ay mukhang hindi pa nap