Third POV "Just keep an eye on her." paalala ni Damon sa bodyguard na inutusan niyang bantayan ang kaniyang nagpapanggap na asawa. Kausap niya ito sa phone at bawat lipat ng mga ito sa ibang store ay kaagad naman inililipat ng bodyguard ang camera at naka-focus na ito kay Star. Kaya alam niya ang bawat galaw ng asawa kahit pa hindi siya kasama. On the way na rin naman siya para sundan ito sa mall kung saan naroon si Star. Hindi niya hahayaang mag-isa si Star, ang gusto niya kasama siya sa pamimili nito ng mga gamit ng dalaga. "Mr. Arcanghel, mukhang may dumating na kakilala ang asawa niyo." "Kakilala?" itinuon nito ang camera sa kinaroroonan ni Star. Nahagip ng camera ang mga kausap nito. Kitang-kita niya ang dalawang foreigner na lalaki at isa naman na babae. "s**t! Who is that?" "