"Anong gagawin nila sa tatlong babaeng 'yon, Damon?" kinakabahan na tanong ko sa kaniya pagkatapos namin pumasok sa loob ng kotse. Kinakabahan ako dahil baka kung anong gawin ng mga bodyguard niya. Baka mapatay ng bodyguard niya ang tatlong babaeng 'yon at kakalat ang balita sa buong mundo. Kapag nagkataon, makukulong si Damon. "Huwag kang mag-alala kakayanin nila ang parusa ng mga bodyguard mo." tipid na sagot ni Damon tsaka binuhay ang makina. Habang siya ay kampante na nagmamaneho ako naman ay kabado at naiwan pa yata ang isip ko sa parking lot ng restaurant. Hindi naman siguro magagawa ni Damon na utusan ang bodyguards niya na patayin ang tatlong babae. Kahit papaano may puso pa rin naman siguro ang lalaking ito. Hindi naman medyo masama ang ugali niya hindi naman siguro niya m

