Maaga nga akong nagising para ayusin ang kakaunting damit ko. Nilagay ko na lang ang mga ito sa travel bag. Akala mo naman kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ako lilipat dahil hindi pa naman nasabi sa akin ni Mama Karisa. Excited na rin akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdanan. "Ma'am, kakain na po. Hinihintay ka na po nila madam." "Naku! Late na pala ako!" hindi ko tuloy naiwasan na maglakad ng mabilis. Parang tatakbuhin ko na nga ang dining area para lang makarating kaagad dito. Napakamot ako ng ulo nang madatnan ko sila Mama Karisa sa dining table. "G-good morning, po mama Karisa. G-good morning, Mr. Arcanghel." bati ko sa mag-asawa. "Bakit pagdating sa akin, Mr. Arcanghel ang tawag mo, hija? You can also call me Papa. After all, magkakaroon na ako ng apo sa