"Damon, wala ka bang magawa sa buhay mo? Bakit pati bahay ko pinapakialaman mo?" nakapameywang na hinarap ko si Damon. Abala ito sa pag-uutos sa mga tauhan niya kung ano ang gagawin. Ang kaninang maluwag na space ay ngayon naging masikip na sa dami ng gamit na pinaglalagay niya. "Baka nakakalimutan mo na family ko ang bumili ng bahay na 'to." Natigilan na lamang ako sa sinabi niya. Useless rin pala ang paglipat ko ng bahay ngayong wala rin akong magawa dahil family niya ang bumili sa bahay na 'to. Umiiwas ka na nga pero yung iniiwasan mo sumunod rin naman sa 'yo. "Gusto ko na magpahinga, Damon. Puwede ba umuwi ka na?" nakapameywang ulit na sabi ko sa kaniya. Pinagtutulakan ko na siyang umuwi. "Puwede ka naman magpahinga." sagot niya habang nakatingin sa ibang direksyon. Hindi