Starlet's POV "Mom! No!" halos ihagis ko lahat ng mahawakan ko nang marinig mula kay Mommy ang nalaman niya. Hindi ako ang asawa ni Damon kundi si Star. Paano nangyari 'yon? Anong ginawa ni Damon? "Arrgh!" umalingawngaw sa bawat sulok ng sala ang sigaw ko. "Hindi ako papayag, mommy. Malaking jackpot 'yon para kay Star. Hindi puwede! Hindi siya puwedeng sumaya! Naiinis pa rin ako sa kaniya! Bakit palaging siya na lang ang pinapaboran ng lahat!" "Just calm down, Starlet. Hindi ka ba masaya na napunta ka sa amin ng Daddy mo?" "Gusto ko lang gumanti, Mom. Masaya akong napunta sa inyo pero hindi maalis sa isip kong pinamigay lang ako ng sarili kong magulang." "Kalimutan mo na lang 'yon. At least nandito ka, maayos ang buhay, nakatulog sa malambot na higaan, nakakakain ng masarap na pa