Star's POV ILANG ARAW NANG hindi ko nakikita si Damon. Mas pabor naman sa akin 'yon dahil hindi ako mahihirapan magpanggap. Kapag nandito siya, natatakot akong baka mabuko niya ang mga kilos ko. Mabuti na lang at hanggang ngayon hindi pa din niya ako nabubuko kahit pa naghihinala na siya. Hanggang hinala lang naman. Pero kamusta na kaya si Lola? Sila Starlet at Grey, hindi na rin sila tumatawag. Gusto ko sanang kamustahin si Lola ngunit wala akong magawa kundi maghintay na lang ng kanilang tawag kung kailan. Matatapos din itong pagpapanggap ko at gagaling si Lola. Makakasama ko rin ito kapag nakapag-isip ng balikan ni Starlet ang asawa niya. Bakit may kirot sa dibdib ko? Babalikan ni Starlet si Damon. Ako naman ay babalik sa dati kong buhay. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Hindi naman