Evelyn's POV "Saan ka pupunta?" tanong ni Daxon nang kumalas ako sa mga yakap niya. Tinahak ko na kasi ang likod ng bahay para ipagpatuloy ang paglalaba. Hindi pa ako tapos at kailangan ko ng tapusin 'yon para wala na akong gawain mamaya. "Maglalaba." tipid na sagot ko tsaka ko siya tuluyang iniwan. Hindi ko alam sumunod pala ito sa akin. Nalaman ko na lang nang magsalita siya sa aking likuran. Paupo na ako at handa na ulit magkusot. "Anong ginagawa mo?" tanong niya nang simulan ko ulit ang pagkusot. "Siyempre maglalaba. Nagkukusot ng damit." "Why the hell are you doing that? Wala ba kayong machine para mapabilis ang paglalaba?" halos hindi siya makapaniwalang nagkukusot ako ngayon. Hindi naman kasi kami katulad nila na bawat galaw nila may dapat gamitin na automatic. Dito sa p