"Meron ba tayong dapat pag-usapan?" Kapapasok lang ni Daxon sa loob ng mansion at dumiretso ito sa sala kung nasaan si Draven. "Umupo ka." pinagpag ni Draven ang upuan para paupuin doon si Daxon. "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Kailangan kong sundan ang asawa ko." Bahagyang natawa si Draven. "Asawa? Kung makaasta ka parang hindi mo siya hinayaan ng nakaraang gabi na mag-isa." "Alam niya kung saan ako pupunta. Isa pa, kailangan kong puntahan si Monica sa hospital. Naaksidente si Monica at kailangan niya ako. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ito makalakad." Bahagya na naman natawa si Draven. "How about, Evelyn? Sa tingin mo ba hindi ka niya kailangan ng gabing 'yon?" "Anong ibig mo sabihin?" "Sabagay, si Monica lang naman kasi ang nakikita mo." "Anong ibig mo sabihin