Hindi na bumalik si Daxon sa hospital. Katulad ng sabi niya, pinasundo niya nga ako sa kanilang driver. Habang naglalakad ako papasok sa mansion ay para akong lutang. Hindi pa kasi ako makapaniwalang may nabuo ng bata sa sinapupunan ko. Hindi ko pinagsisisihan 'to. Marami lang talaga akong iniisip kaya ako nagkakaganito. "How was your date with Daxon?" Napatalon ako sa gulat ng bigla na lamang nagsalita si Draven sa aking harapan. Hindi ko siya napansin habang naglalakad ako. Talaga ngang lutang ako. "I-ikaw pala, Draven." "Nasaan si Daxon? Akala ko ba pinuntahan mo siya sa kaniyang office?" "Ahm! O-oo, magkasama kami kanina. P-pero, si Monica kasi naaksidente kaya pinuntahan niya kaagad." "Iniwan ka niya?" "Naiintindihan ko naman." "Hindi mo dapat hinayaan na puntahan