106 [MISTAKE] TEST

1960 Words

Nawalan na ako ng gana kumain pagkatapos kong magsuka sa banyo. Nabungaran ko sa labas ng pintuan ng banyo si Daxon. Naghihintay sa paglabas ko. Puno ng katanungan ang gumuhit sa kaniyang mukha. "Anong problema? Ano ba kinain mo kanina at nagsusuka ka?" "Wala, ayaw ko lang sa lasa ng carbonara. Parang panis na eh! Tsaka iba ang amoy. Hindi ko gusto ang amoy." Tinalikuran kaagad ako ni Daxon. Nilapitan niya ang pagkain na nasa kaniyang table. Inamoy niya ito. "Hindi naman masama ang amoy." komento niya pagkatapos niya ito amuyin. Nilasahan niya rin ito ngunit hindi man lang nagbago ang reaksyon sa kaniyang mukha. Bakit ako, nilasahan ko lang 'yon nag-iba na kaagad ang pakiramdam ko sa aking sikmura. Muli kong nilapitan ito para amuyin. Kaagad akong nagtakip ng ilong dahil hindi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD