Star's POV
NAPABALIKWAS ako ng bangon nang makarinig ng tilaok ng manok.
Umaga na?
Kaagad kong sinilip ang maliit namin na orasan dito sa maliit namin silid. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong alas sinco pa lang ng hapon.
Akala ko talaga umaga na. Paano na lang si Lola sa hospital kung nakatulog ako rito hanggang umaga.
Tumayo na lamang ako sa kama para magluto. Umuuwi ako dito para lang magluto ng umagahan, tanghalian at hapunan. Hindi naman puwedeng bibili pa kami ng pagkain sa hospital dahil sobrang mahal ng pagkain doon.
Hindi ko nga alam kung anong ulam ang lulutuin ko. Sardinas na lang siguro na may malunggay para naman kahit papaano may sustansya.
Mabuti na nga lang at may natira pang malunggay na tanim ang kapitbahay namin. Nanghingi na lamang ako kay aling Nita.
Si Aling Nita lang ang natatakbuhan ko palagi dito. Kaibigan kasi ito ni Inay.
"Tao po!"
Napalingon ako sa pintuan ng marinig ang boses ni Marie. Si Marie ang kaibigan ko.
"Star! Nandiyan ka ba?" dagdag na sigaw nito sa labas.
"Nandito ako! Itulak mo na lang yung pinto! bukas 'yan!"
Ilang minuto lang ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Tamang-tama na rin kumukulo na ang niluto kong ginisang sardinas.
"Bruha ka nandito ka lang pala. Kung saan-saan na kita hinanap. Nagpunta pa 'ko ng hospital sabi ng Lola mo umuwi ka raw kaya dumiretso na ako dito."
"B-bakit?"
"Hindi ba kailangan mo ng trabaho?"
"M-may alam ka ba?"
"Kailangan mo ng pera?"
"Oo, kailangan na kailangan ko pambayad ng hospital."
"May alam ako."
"A-ano?"
"Afam."
"Afam?" hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. Minsan ko ng narinig ang salitang 'yon ngunit hindi ko alam kung ano 'yon.
"Afam amerikano. Mag-jowa ka ng forenger para magkaroon ka ng pera."
"A-ano?"
Nababaliw na yata itong si Marie. Hindi ko kaya 'yon.
"May nakausap akong babae sa club na pinagtatrabahuan ko. May kilala daw siyang afam na naghahanap ng mapapangasawa."
"A-ano? A-ayaw ko naman ng ganoon."
"Wala ka ng choice. Kagatin mo na 'yon para sa hospital bill ng Lola mo."
"P-pero...h-hindi ko kaya yung sinasabi mo. Alam mong hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend."
"Ano naman ngayon? Natatakot ka bang ma-birhinan?" natawa si Marie. "Sigurado akong makipot na 'yan. Ipa-donselya mo na 'yan. Ikaw din kapag natuluyan 'yan hindi na makakapasok diyan yung b***t ng magiging soon jowa mo."
Nabigla naman ako sa sinabi ni Marie. Wala talagang preno ang bibig nito. Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko ang babaeng ito. Magkaibang-magkaiba naman kami.
"Ang bibig mo."
"Naku! Hayaan mo ang bibig ko. Tayong dalawa lang naman nandito. Isa pa, masarap 'yon. Kapag natikman mo sigurado akong hahanap-hanapin mo."
"Marie!" saway ko sa kaniya.
"Ito naman hindi mabiro. Palibhasa kasi inosente. Oh, ano? Papayag ka na ba? Titingnan mo lang naman yung afam baka magustuhan mo."
"Ayaw ko, Marie. Natatakot ako."
"Huwag kang matakot nandito naman ako eh! Sasamahan kita."
Umiling-iling na lamang ako. Natatakot pa din ako kahit kasama ko pa si Marie.
Dahil sa pag-uusap namin ay hindi ko namalayang kumukulo na pala ang niluluto ko.
"Ihahanda ko lang ang dadalhin ko kay Lola." nagmadali akong talikuran si Marie. Narinig ko naman ang pabulong-bulong nito sa sarili.
Hindi ko naman talaga kaya 'yon. Ang maging asawa ng isang amerikano? Hindi ko talaga kaya.
Pagkatapos kong maihanda ang mga dadalhin ko sa hospital ay umalis na rin naman ako. Sumama naman si Marie.
Sana pala hindi na lang ito sumama. Kung alam ko lang na pipilitin ng pipilitin niya ako ay hindi ko na sana ito sinama pa.
"Ayaw ko talaga, Marie. Huwag mo na ipagpilitan sa akin 'yan."
"Subukan mo nga lang."
Ang kulit ng babaeng ito. Papasok na kami sa room kung saan naka-confine si Lola ngunit kinukulit pa rin niya ako.
"Final, Marie ayoko!"
"Baka kasi magbago ang isip mo."
Tuluyan na kaming nakapasok sa silid kung saan naroon si Lola. Nakasalubong naman namin ang nurse.
"N-nurse, a-ano ho ang problema? M-may nangyari ho ba?" bigla akong kinabahan. Binalingan ko si Lola ngunit nakapikit naman ang mga mata nito.
"Wala naman ho, ma'am. Nandito lang ho ako para ipaalam sa inyo na kailangan niyo na ho mag-down ng bayad. Dahil sa susunod na araw ho ay paaalisin na ho kayo dito kapag hindi pa ho kayo nakapag-down."
Nasapo ko ang noo ko. Hanggang ngayon kasi wala pa akong nakitang pera. Maghahanap ako sa malinis na paraan. Hindi ko papatulan ang alok ni Marie sakin.
Speaking of Marie, nakatingin siya sakin na para bang sinasabi niyang kagatin ko ma ang alok niya.
"Ano beshywep? Nakapagdesisyon ka na ba?" kaagad na tanong niya sakin ng makaalis ang nurse.
Umiling-iling lamang ako. "Hahanap na lang ako ng ibang paraan." naglakad ako palapit kay Lola.
"Ay! Ayaw mo talaga. Bahala ka nga. Basta kapag nagbago isip mo. Don't forget to call me."
Hindi ko na pinansin pa si Marie. Kinuha ko na lang ang baunan na dala ko at inilapag ito sa mesa.
"Apo, nandiyan ka na pala."
"Opo, Lola, kumain na ho kayo." unti-unting bumangon mula sa pagkakahiga si Lola. Inalalayan ko naman ito na umupo.
"Susubuan ko na ho kayo, Lola."
"Huwag na apo. Kaya ko pa naman."
"Sigurado ho kayo?"
"Sigurado alo, Apo. Kumain ka na ba?"
"Kumain na ho ako sa bahay, Lola. Maiwan ko ho muna kayo. Aalis lang po ako sandali."
"Saan ka pupunta?"
Buntong hininga lamang ang sinukli ko. "Maghahanap ho ako ng pera para makapag-down po ng hospital."
"Apo, sabi ko naman sa 'yo hindi mo kailangan---"
"Lola, huwag na ho kayong mag-alala. Magagawan ko ito ng paraan. Ako pa ba? Fighting lang ho tayo." cheer up ko sa kaniya. Napangiti naman ito.
Iniwan ko na muna ito sandali. Kailangan kong makahanap ng pera dahil sa susunod na araw ay baka paalisin na kami. Hindi puwedeng umuwi si Lola na ganoon ang kalagayan niya.
Habang naglalakad ako ay kusang tumutulo ang luha ko. Naisipan kong lumapit sa iba pa naming kamag-anak na kilala ko ngunit wala akong napala. Pinagsaraduhan lamang nila ako ng pinto.
Sa mga kapatid ni Lola, wala man lang na isang tumulong. May mga kaya naman yung iba ngunit tinalikuran lamang ako.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Naisip ko ng patulan na lang ang alok ni Marie sakin.
Habang naglalakad sa pasilyo ng hospital patungo sa silid ni Lola ay hinugot ko sa aking bulsa ang cellphone para tawagan si Marie.
Sa una, nagdadalawang isip pa ako ngunit pumikit na lamang ako para tawagan si Marie. Wala na akong ibang choice. Malaki ang babayaran ko sa hospital na ito kaya kakapit na lamang ako sa choice na 'to.
Nakaka-ilang ring na ang cellphone ni Marie ngunit hindi pa nito sinasagot. Nagulat na lamang ako ng may bigla na lamang sumigaw sa harapan ko. Nabangga ko na pala ang babae at tumalsik naman ang cellphone ko.
"Ano ba? Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" sigaw nito sa akin.
"Naku! Pasensya na, pasensya na talaga." hingi ko ng pasensya rito. Unti-unti akong tumingin sa kaniyang mukha at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang kamukha ko ito. Halos hindi ako makapaniwalang nakikita ko ngayon ang hitsura ko sa babaeng nasa harapan ko.
"Ano ka ba naman, Starlet. Huwag ka ngang masyadong masungit diyan. Siya na yung hinahanap natin." bigla naman nagsalita ang lalaking kasama nito.
Starlet ang pangalan niya.
Nakatulala pa rin ako hanggang ngayon. Hindi pa rin makapaniwalang hindi lang pala nag-iisa ang mukha ko sa mundong ito kundi may isa pa. Paano nangyaring magkamukha na magkamukha kaming dalawa?
Ang pagkakaiba lang namin ay blonde ang kaniyang buhok habang sa akin ay maitim.
Tinaasan lamang ako ng kilay ng babaeng kamukha ko.
"By the way, are you Star?"
Ikinagulat ko rin nang marinig mula sa kaniya ang aking pangalan. Paano niya nalaman ang pangalan ko?
"P-paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Just answer my question."
"O-oo, a-ako nga si Star."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" dagdag na tanong ko pa.
"I know a lot about you." sagot niya habang nakataas ang mga kilay.
"Girl, simplehan mo lang. Baka naman hindi 'yan pumayag sa alok mo ikaw din." sabat ulit ng lalaking kasama nito. Bakla yata ito, sa pananalita pa lang kasi ay halata na. Ngunit bihis lalaki naman ito.
Litong-lito ako ngayon sa mga nangyayari. Isa sa tanong ko kung bakit kami magkamukha?
"Nagpunta ako rito para alukin ka ng trabaho."
Napaawang ang bibig ko. "T-trabaho? A-anong trabaho?"
"Magpanggap ka bilang ako." walang paligoy-ligoy na sabi niya.
Mas lalong umawang ang bibig ko. "B-bakit? Bakit ko gagawin 'yon? Bakit kailangan mo pa na may magpanggap bilang ikaw?" litong-lito na tanong ko sa kaniya.
"Huwag ka ng maraming tanong. Ano? Papayag ka ba o hindi?"
Natigilan na lamang ako.
Napaisip, hindi nga ako pumayag sa alok ni Marie ito pa kaya? Paano kung may bad record ang babaeng ito? Ako pa ang mapagkakamalan.
"One hundred thousand monthly." biglang singit niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa laki ng perang offer niya. Totoo ba 'to?
"Magpapanggap lang ako bilang ikaw pero bakit ganoon kalaki?" tanong ko sa kaniya.
"Ayaw mo ba?"
Napaisip na naman ako. Kailangan na kailangan ko ng pera. Kung magpapanggap lang naman ako bilang siya, hindi na mabigat iyon kaysa sa alok ni Marie na magpakasal sa isang amerikano.
"Girl, kunin mo na ang opportunity na ito para sa Lola mo."
Naibaling ko kaagad ang aking paningin sa baklang kasama ng babaeng kamukha ko. Paano nila nalaman ang tungkol sa Lola ko?
"Paano mo nalaman ang tungkol sa Lola ko?"
"Girl, nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Starlet. Alam namin lahat ng tungkol sa iyo. Aalukin ka ba namin kung hindi ka namin kilala? Pupuntahan ka ba namin dito kung---"
"Enough, Grey!" biglang pinutol ng babae ang pagsasalita ng bakla. Bumaling sa akin ang babaeng kamukha ko. "Ano? Pumapayag ka na ba?" muli ay tanong nito sa akin.
Ilang beses akong napaisip.
"A-anong gagawin ko kapag nagpanggap na ako bilang ikaw?"
"Let's discuss this later. Once you agree, you will sign a contract. Remember, once you sign, you can't back out."