CEO 3 PAGBABALIK

1819 Words
Star's POV TAMA BA TALAGA ANG DESISYON KO? Pumayag ako sa alok ng babaeng hindi ko pa naman gaanong kilala. Oo, kamukha ko siya, pero hindi ko alam ang pagkatao niya. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan pa niyang may magpanggap bilang siya kung maayos naman ang buhay niya kasama ang kaniyang asawa. Si Marie nga na kilala ko ngunit tinanggihan ko pa. Tinanggihan ko ang alok niya na maging asawa ng afam ngunit ito ako, tinanggap ang alok ng isang babaeng magpanggap bilang siya sa harapan ng kaniyang asawa. Hindi ko man lang nga nakita ang mukha ng asawa ng babaeng iyon. Paano kung masama pala ang ugali no'n kaya tinatakasan niya. Paano kung matanda na pala ito kaya naman naghanap siya ng ibang mag-aalaga sa asawa niya at ako naman ang nahanap niya. Ang daming pumapasok sa isip ko. Flashback Dinala nila ako sa isang maliit na bahay sa tapat lamang ng hospital na kinaroroonan ni Lola. "A-anong gagawin natin dito?" kinabahan ako. Hindi ko sila kilala ngunit sumama ako. "Huwag kang matakot gurl. Hindi ka namin sasaktan. Hindi namin gagawin 'yon dahil kailangan ka namin. Ako nga pala si Grey, best friend ni Starlet." pakilala ng bakla sa akin. Nakipag-shake hands pa nga ito sa akin. Tinitigan ko muna ang kamay nito bago ko ito tinanggap. "Wala ka ba talagang naaalala?" dagdag na tanong nito ng maghiwalay ang aming mga palad. "A-anong ibig mo sabihin? Anong naaalala?" "Ang ibig kong sabihin, wala ka bang naaalala noong bata ka pa. Feeling ko kasi may koneksyon kayong dalawa ni Starlet eh! Magkamukhang-magkamukha kayo para nga kayong kambal." Napailing na lamang ako. Hindi ko talaga alam kung may kambal ba ako dahil wala namang kinukwento sa akin sila Inay. Maya maya lang din ay pumasok si Starlet. Magkatunog pa talaga ang mga pangalan namin. Imposible nga kaya na magkapatid kami? Imposible kaya na kambal ko siya? Ang daming katanungan sa isip ko na hindi masagot dahil ang mga taong makakasagot sa mga katanungan ko ay wala na dito sa mundo. Kung nandito lang sana sila Itay at Inay masasagot sana ang mga katanungan ko. "Dala mo na ba ang contract?" lumapit si Grey kay Starlet. "Anong pinagsasabi mo sa babaeng 'yan?" masungit na tanong ni Starlet kay Grey. "Wala naman. Tinanong ko lang kung may naaalala ba siya noong bata pa kayo." Sinamaan lamang ng tingin ni Starlet si Grey. Bumaling ito sa akin at unti-unting naglakad palapit sakin. "Nakapagdesisyon ka na ba?" inilipag nito ang envelope sa mesa. Mas lalo lang akong kinabahan. "Pumayag ka na gurl. Magpapanggap ka lang naman. Isa pa, maganda ang magiging buhay mo dahil mayaman ang asawa mo." lumapit naman sa amin si Grey. "A-anong hitsura ng asawa mo?" Sinamaan naman ako ng tingin ni Starlet. "Kailangan mo pa bang alamin 'yon? Makikilala mo rin siya. Huwag kang mag-alala minsan lang sa bahay ang asawa ko kaya magagawa mo lahat ng gusto mo." aniya. "Kung ganoon, bakit kailangan mo pa siyang takasan kung wala naman pala siya palagi sa bahay niyo?" Sinamaan niya na naman ako ng tingin. "Ayaw mo ba? Bakit ang dami mong tanong? Ikaw na nga itong tinutulungan ayaw mo pa. Kung ayaw mo madali naman akong kausap. 'Yon kung kaya mong makita ang Lola mo na nahihirapan." irap niya. Si Lola, nakasalalay ang buhay ni Lola dito. "P-pumapayag na ako. Pero paano si Lola? Walang magbabantay sa kaniya." pag-aalala ko. Nagkatinginan ang dalawa. "Huwag ka mag-alala gurl hindi naman namin hahayaan ang Lola mo na walang magbabantay. Hahanapan namin 'yan ng paraan." sagot ni Grey. "Sign the contract na gurl." utos sakin ni Grey. Ilang beses akong napalunok habang hinahawakan ko ang ball pen. Nanginginig pa nga ang mga kamay ko. Kailangan ko na itong tanggapin kaysa iuwi ko si Lola sa bahay. Mas lalo lamang mahihirapan siya doon lalo na at hindi pa maayos ang bahay namin. Sa hospital, sigurado akong magiging maayos ang kalagayan niya doon. "Pirmahan mo na." utos na rin ni Starlet. Kahit nanginginig ang kamay ko ay pinilit kong isayad sa papel ang ballpen at pinirmahan ito ng tuluyan. "Very good." ang laki ng ngiti ni Starlet. Ganoon niya gustong kumawala sa kaniyang asawa. Pagkatapos ng usapan ay dinala naman nila ako sa salon. Hindi ko na kasama si Starlet. Si Grey na lang ang kasama ko pagdating sa salon. "Anong gagawin natin dito?" "Siyempre gurl kailangan mo gayahin si Starlet. Alangan naman na uuwi kang ganiyan ang hitsura mo. Magtataka ang asawa mo." "Asawa ni Starlet." pagtatama ko. "Asawa mo na rin 'yon. Dahil sa pagkakataong ito, ikaw si Starlet." Mas kinabahan pa ako dahil sa sinabi niya. Paano kung mahahalata ng asawa ni Starlet na hindi pala ako ang asawa niya? "Tandaan mo gurl, Star ang pangalan mo not Starlet." "Huh?" "Star pa din ang pangalan mo. Star ang ginamit ni Starlet na pangalan sa asawa niya." "P-paano nangyari 'yon?" buong pagtataka ko. "Hindi ko rin alam. Maybe, kilala ka na ni Starlet noon pa." Natahimik na lamang ako. Nag-iisip kung bakit alam ni Starlet ang pangalan ko? After ng ilang minuto namin sa salon tsaka ko lang nasilayan ang sarili at ibang-iba na ako ngayon kumpara sa totoong ako. Blonde na ang buhok ko at may makapal na make-up na rin ako. "Wow! Starlet!" sigaw ni Grey nang masilayan ako. Kagagaling niya lang sa labas. "Ikaw na ikaw na talaga." mangha na sabi niya. Napayuko na lamang ako. "Kailangan ko ba talaga mag-make up ng ganito kakapal?" naiilang ako. "Syempre naman. Ganiyan si Starlet. Baka kapag hindi ka nag-make-up magtataka ang asawa niya." END OF FLASHBACK "Miss, nandito na tayo sa Manila." napakurap-kurap ako ng marinig ang sinabi ng konduktor. Kaya pala nagsibabaan na ang mga pasahero. Napatayo na lamang ako para lumabas na dito sa bus. "Miss, hindi ka dapat umaalis na mag-isa. Maganda ka pa naman at mukha pang mayaman. Baka mapagtripan ka diyan sa mga kanto." sabi sa akin ng konduktor. Kinabahan tuloy ako dahil sa sinabi niya. Hindi na kasi ako hinatid ni Grey dahil 'yon daw ang utos ni Starlet. Ibinigay niya lang sakin ang address ng bahay kaya mag-isa kong hahanapin ito. "Salamat, Manong ah!" sagot ko naman tsaka tuluyan ng bumaba ng bus. Napakaraming tao. Malalaki rin ang mga building na nasa harapan ko. First time kong nakapunta dito sa Manila kaya sobrang naninibago ako. Napapatingala na lamang ako habang naglalakad para tahakin ang taxi. Ang sabi sakin ni Grey, sasakay na lang daw ako ng taxi pagkatapos kong makababa ng bus. Kaunting tiis na lang makakarating rin ako sa aking paroroonan. "Miss, baka kailangan mo ng masasakyan." Napadaan ako sa kanto na mga lalaki lamang ang nakatambay. Yumuko na lamang ako tsaka mabilis na inihakbang ang mga paa. Nakakatakot naman dito. "Miss, ihahatid ka na namin." "Oo, nga." segunda naman ng mga kasamahan nito. Hindi ko na lamang pinansin ang mga ito. Natatakot akong baka ma-scam pa ako. Uso pa naman 'yon ngayon. Pakiramdam ko may sumusunod sakin kaya mas lalo kong binilisan ang aking paglalakad. Star, kaya mo 'to. Kaunting-kaunti na lang makakarating na rij ako sa kabilang kanto kung saan maraming tao. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan akong nakaalis ng safe sa kanto na dinaanan ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dito na yata ako mamamatay. Ano ba kasi itong pinasok ko? Sa wakas, nakita ko na ang mga nakaparadang taxi. Makakarating na din ako. "Miss, pumila ka." Natigilan ako ng may biglang sumigaw na babae. Napalingon ako sa likuran ko. "Pumila ka! Nakapila kami rito. Bigla ka na lang sisingit diyan!" muli ay sabi nito. "P-pasensya." bumalik ako sa dinaanan ko at pumila na rin sa dulo. Mukhang matatagalan pa yata ako dahil sa daming nakapila. Nagugutom na nga ako. Kanina kasi pag-alis ko tinapay lang ang kinain ko. Sa wakas! ako na din ang susunod. Hindi rin nagtagal ay nakasakay na din ako ng taxi. First time kong sumakay sa ganito. Sa probinsya kasi jeep lang at tricycle ang sinasakyan ko. Ibinigay ko naman kay Manong taxi ang address na pagbabaan ko. Hindi ko mapigilan na mapatingin na lamang sa labas. Ang tataas ng mga building na nadadaanan ko. "Wow!" napaawang na lamang ang labi ko dahil sa nagagandahang mga bill board ng artista na nakikita sa building. "Manong, malapit na po ba tayo?" hindi ko na napigilan na itanong kay Manong taxi driver. Inaantok na kasi ako. Baka makatulog ako. "Medyo malayo pa ho, ma'am." "Ah, sige po, puwede po bang matulog muna ako. Pakigising na lang ho ako Manong kapag nandoon na tayo." "Sige ho, ma'am matulog lang ho kayo diyan." Dahil sa sinabi nito ay hindi ko na talaga napigilan pa ang aking antok. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. THIRD POV "Hindi niyo pa din nakikita ang asawa ko?" dumagundong ang boses ni Damon sa loob ng office nito. Kausap niya ang kaniyang mga bodyguard. "Pasensya, boss. Hindi po talaga namin nakita ang asawa ninyo." nakayukong paliwanag ng kaniyang dalawang bodyguard. Umigting ang kaniyang panga. Ilang araw ng nawawala si Star at ang hirap nitong hanapin. "Humanda ka sakin, babae! Once I see you, you'll never be able to escape again!" ikinuyom niya ang kaniyang kamao dahil sa galit. Star's POV "Ma'am, nandito na ho tayo." Napabalikwas ako ng maramdaman kong may kumakalabit sa balikat ko. Tsaka lang nag-sink in sa isip kong nakatulog nga pala ako. "Manong." "Nandito na ho tayo, ma'am. Nandito ho tayo sa tapat mismo ng Arcanghel Residence." "Huh?" Ibinaling ko ang paningin sa harapan at nakita ko nga ang napakataas na gate na nasa aking harapan ngayon. "Diyan ho ba kayo nakatira, ma'am?" tanong sa akin ni Manong. "Ah, huh? A-o,oo." sagot ko na lamang Jusko! Napakalaki pala ng bahay na ito. Akala ko simpleng bahay lang ang madadatnan ko ngunit para na nga itong palasyo. Sa labas pa lang itong nakikita ko. Ano pa kaya kung nasa loob na ako? "S-salamat po, Manong." lumabas na ako ng tuluyan sa taxi. Hindi pa rin ako makapaniwalang dito ako titira ngayon. "Sige ho ma'am. Aalis na ho ako." tuluyan ng pumasok si Manong sa loob ng taxi at naiwan akong mag-isa rito sa labas ng gate. Anong gagawin ko? Biglang nag-sink in sa isip ko ang sinabi ni Starlet sakin. "Pagdating mo sa labas ng gate. Tumapat ka lang sa gate at magbubukas iyon ng kusa." aniya. Naglakad na lamang ako at tumapat sa may gate. Napaawang na lamang ang aking labi ng kusa itong bumukas at bumungad sa akin ang lalaking naka white longsleeve at slacks. "Good afternoon, Mrs. Arcanghel." bati nito sa akin. "Mabuti naman ho at umuwi na kayo. Kung hindi ho ay pare-pareho kaming mawawalan ng trabaho dito." kumakamot na sabi ng guard sa akin. Anong ibig niyang sabihin? Kumabog naman ang dibdib ko dahil hindi ko kilala ang mga tao rito. Wala namang sinabi sa akin sila Starlet at Grey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD