Star's POV "Papayag ako sa lahat ng gusto mo...p-pero gusto kong makita si Lola na inililipat sa private hospital." ito naman ang kondisyon ko sa kaniya. Ang gusto ko, makita mismo ng mga mata kong nasa maayos na kalagayan si Lola. Ayaw ko ng magpadalos-dalos ng desisyon katulad ng desisyon ko noong kinausap ako ni Starlet. Naloko na ako kaya dapat lang siguraduhin ko na sa pangalawang pagkakataon. Pumayag kaagad ako sa alok ni Starlet kahit pa hindi ko nakikita si Lola kung nasa maayos ba talaga ito na kalagayan. Ngayon naman si Damon. Hindi kaagad nakapagsalita si Damon, nakatitig lang siya sakin. "Sa tingin mo ba hindi ako marunong tumupad sa usapan?" kumunot pa lalo ang noo niya. "Naninigurado lang ako. Naloko na ho ako noon at ayaw ko na maulit pa iyon." nakayuko na sabi