Star's POV ANG BIGAT ng mga paa kong inihahakbang palayo sa bahay. Hindi ako nabibigatan sa maleta na dala ko kundi sa sarili kong tila napupuno na sa bigat ng pakiramdam at pinagdadaanan ko ngayon. Muli kong binalingan ang malaking bahay bago tuluyang naglakad ulit palayo. Sa pagkakataong ito hindi ko na nagawa pa na lumingon. Kapag lumingon pa ako mas lalo lamang bumibigat ang pakiramdam ko at mas lalo lamang akong nasasaktan. Habang tinatahak ko na nga ngayon ang bus station hindi naman tumitigil ang pagsinghot ko. Uuwi ako ngayon sa Probinsya. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin ngayon at sa mga susunod pa na mga araw. Dalawa na ngayon ang problema ko. Ang lola ko na hanggang ngayon ay nasa hospital at ang batang nasa sinapupunan ko. Hindi ko alam kung paano ko ipagsas