ANO bang nakain ko? Bakit kanina pa 'ko pabalik-balik sa banyo para isuka lang ang kinain ko. May sakit na yata ako. Hindi ko na nakausap pa si Starlet kanina dahil pagbalik ko wala na siya sa kabilang linya. Pero...bakit niya nasabing layuan ko ang asawa niya ngayong siya naman itong may gusto na magpanggap ako bilang siya. Siya itong bigla na lang nawala kaya hindi ko nakuha ang dapat kong makuha sa kaniya. Siya ang dahilan kaya naghirap ang Lola ko sa bahay. Hindi niya tinupad ang napag-usapan namin. Ang buong akala ko pa naman nasa maayos na kalagayan si Lola 'yon pala nasa bahay at nahihirapan. Pinagmasdan ko ang screen ng cellphone. Gusto kong tawagan si Damon. Hindi ako makakapunta sa office dahil masama ang pakiramdam ko. Sa huli, nagawa ko rin na tawagan ito. "Hey, bab