Dinala kaagad ako ni Damon sa isang maternity clinic. Akala ko nga sa hospital kami didiretso ngunit doon niya ako dinala sa private maternity clinic. Ilang maternity clinic din ang dinaanan namin dahil lalaki ang OB-GYN. Ayaw ni Damon na lalaki ang titingin sa akin. Kaya wala kaming choice kundi maghanap ng iba hanggang sa napadpad kami sa isang maternity clinic kung saan babae na ang OBGYN. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Damon. Kinakabahan ako, nakakatakot ngunit nakaka-excite dahil magiging isang ina na ako kapag totoo nga na buntis ako. Magiging isang mabuti akong ina sa magiging anak namin ni Damon. Mamahalin ko sila at aalagaan. "You're nervous." bulong niya sakin. "M-medyo," "You shouldn't be nervous. I'm here." pinisil ni Damon ang aking palad. Dinala niya ito sa