Ember's POV Nagising ako nang maramdaman ang pagbukas at pagsara ng pinto. Narito ako sa kwartong inilaan sa akin ng pamilya ni Wray habang si Lola nasa ibang kwarto naman. Sumalubong sa akin ang seryoso at malamig na aura ni Wray. Kinusot ko ang mata ko nang bumaha ang liwanag sa buong kwarto. Alam kong gabing-gabi na at hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni Wray sa kwarto ko. "May kailangan ka ba?" Tanong ko nang makalapit siya sa akin. Nakatayo siya sa gilid ng kama habang ako naman ay nakaupo pa rin at inaantok pa. "Bilib din ako kay Deangelo sa paghahanap sayo. Natagpuan ka kaagad," nakangisi niyang sabi. Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. "Ilang oras ka palang nalalayo sa Nueva Vizcaya nahanap ka niya kaagad ng ganoon kabilis." "Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan