Chapter 20

1540 Words
Ember's POV Nagising ako sa mga marahan na tapik sa aking pisngi. Pupungas-pungas kong iminulat ang mga mata ko at gumala agad ito sa paligid. Hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa lalaking nakatanghod sa akin. “Narito na ho kayo Miss Ember, naghihintay na po sa loob ang Lola po ninyo.” Naguguluhan man ay sumunod na lamang ako sa kaniya papasok sa loob ng.. mansyon ba ito? Hindi ko na magawang makita ang bahay na ito mula sa labas dahil na rin sa pagtatakha ko. Napakalawak na sala ang bumungad sa akin pagpasok ko sa main door. Walang tao. Puro maid lang ang nakikita ko. “Uh, si Wray po?” Tanong ko sa lalaking sinusundan ko sa paglalakad. “May pinuntahan lang po si Sir Wray sandali. Babalik din po siya kaagad.” Inihatid ako nang lalaki sa isang kwarto kung saan naroon si Lola at isang matandang lalaki na hindi ko pa nakikilala. "Hija, halika rito.." tawag sa akin ni Lola. Agad naman akong lumapit sa kaniya at nagmano. "Siya si Don Vincent, ang tatay ni Don Vicente na ama ni Wray." Ngumiti ako nang matamis. "Hello po! Ember Rose po." Pagpapakilala ko naman. Ngumiti sakin ang matanda at tumango. "May alam na ba ang magandang batang ito?" Tanong ng matanda kay Lola. Umiling si Lola at ngumiti. "Hintayin lamang natin si Wray at ang kaniyang ama para tayo'y makapagsimula na." Tumango na lamang ako kay Don Vincent. Ano naman kaya ang dapat kong malaman? Ano nga rin ba ang dapat pag-usapan? Wala akong ideya dahil na rin ang mga taong ito ay ngayon ko lamang nakilala. Ni hindi ko nga alam na may mga ganitong tao na kilala pala si Lola. Hindi naman kami mayaman na tao. Nasa average lang ang pamumuhay namin kaya't nagtataka lang ako kung paanong may nakilala si Lola na mga ganitong kayayaman na tao. Naputol ang pag-iisip ko nang bumukas ang pinto. Pumasok doon si Wray at si Don Vicente. Ngumiti agad sa akin ang matanda at marahan akong niyakap. Habang si Wray ay seryoso lamang. "Kumpleto na tayo, pwede na nating umpisahan para pagkatapos nito ay magkasiyahan pa tayo." Wika ni Don Vincent. "Ember, apo.. para sayo 'to." Wika ni Lola. Kahit walang maintindihan ay tumango na lamang ako. "Ikaw Wray at Ember ay ipinagkakasundo namin para maging isa. . ." Napakunot ang noo ko sa sinabi ng Lolo ni Wray. "Tatlong buwan mula ngayon ay gaganapin ang kasal ninyong dalawa." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "A-ano po?" Naguguluhan kong tanong. Nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa tatlong matanda bago kay Wray. Nakakuyom ang isang kamao nito na tila nagpipigil ng galit. "Wala po ako naiintindihan. Sino po ang magpapakasal? K-kami po ni Wray?" Sumisikip ang dibdib ko sa mga narinig. Tumango ang tatlong matanda. Halos kapusin ako ng hangin dahil sa paninikip ng dibdib ko. Masyado akong nabibigla sa mga naririnig ko ngayon. "Nagjo-joke po ba kayo? Kasi hindi po magandang biro.." seryoso kong sabi. "At isa pa po, hindi po namin gusto ni Wray ang isa't isa." "Anak, natututunan ang pagmamahal. Kalaunan ay mapapamahal din kayo sa isa't isa.." nagtawanan ang tatlong matanda sa sinabi ni Don Vicente. Anong nakakatawa? Walang nakakatawa sa mga sinasabi nila sa amin ngayon. At hindi ko alam na uso pa pala ang arrange marriage na ganito. Nilingon kong muli si Wray. Tahimik lamang ito at madilim na ang aura. Bakit hindi siya tumututol? Alam kong ayaw din niya ang arrange marriage na 'to base sa nakikita kong itsura niya ngayon. Konti nalang ay parang sasabog na ito sa galit. "Dito na rin tayo titira apo, naipalipat na rin kita sa isang exclusive school dito. Para mas magkakilala kayo ni Wray bago sumapit ang inyong kasal." Walang emosyon akong tumingin lamang kay Lola. Alam kong ramdam na nagpo-protesta na ang kalooban ko sa nangyayari ngayon pero parang wala siyang pakialam. Inihatid ako ni Wray sa magiging kwarto ko sa mansyon na to. Habang si Lola ay naiwan para makipagkwentuhan pa. "Bakit hindi ka tumutol?" Tanong ko kay Wray. Bigla nalang iyon lumabas sa bibig ko dahil para na akong sasabog. "Bakit hindi ka umayaw? Alam kong ayaw mo sa arrange marriage dahil sa reaction mo kanina. Pero bakit hindi ka nagsalita?" Malamig lamang siyang tumingin sakin bago may kinuha sa bulsa niya, yosi. Sinindahan niya at sa harapan ko pa mismo nagkalat ng usok. "Trust me. Kahit ako, ayokong makalaban ang tatlong matandang iyon." Wika niya. "Bakit?" Nagtataka kong tanong. "Wag kana masyado mag-isip, magpahinga kana. Sinisigurado ko naman na hindi matutuloy ang kasal. Mas ayokong makabangga si Deangelo Mondego. Hindi ako sumasaksak ng kaibigan sa likod." Ngising sabi niya bago ako iwanan. Tatlong oras na yata akong naglilikot sa ibabaw ng kama. Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung paano ko mako-kontak si Cara at Dean. Siguradong hahanapin nila ako. Magtataka sila dahil siguradong hindi ako makakapasok. Inis akong napasabunot sa buhok ko nang bumukas ang pinto. Napaalis ako ng kama at agad nilapitan si Lola. "Lola, what just happened?!" Hindi ko maiwasan ang pagtaas ng boses ko. "It's for your own sake, Ember! Wag mo akong susuwayin at hindi mo gugustuhin ang magagawa ko!" Malamig at may tigas niyang sabi. Napaiyak ako sa frustration. Hindi ko maintindihan si Lola kung bakit bigla-bigla siyang may desisyon na ganito. Ni hindi niya muna ako kinausap. "Pero hindi ko gusto si Wray, Lola! Please. Wag mong gawin sa akin 'to.." Napailing lamang siya at hinaplos ang buhok ko. "Bakit, ang Mondego na iyon ba ang gusto mo?" Natahimik ako at hindi kaagad nakakibo sa tanong niya. Pero ilang segundo lang ay napatango ako ng marahan. Ayoko na magsinungaling at magtago sa kaniya nang tungkol sa amin ni Dean. Isang malakas na sampal ang nakuha ko sa kaniya. Napatulala ako habang bumabagsak ang mga luha. Ngayon lamang ako pinagbuhatan ng kamay ni Lola. "Kalimutan mo ang nararamdaman mo sa lalaking 'yon! Ayoko siya para sayo!" "Lola, pati sa ganitong bagay ay panghihimasukan mo ko?! Hindi ko naman matuturuan ang sarili ko kung sino ang mamahalin ko! Kusa ko iyong naramdaman kay Dean!" "Dahil tanga ka Ember! Nagpa-manipula ka sa taong pumatay sa Lolo mo!" Tila nabingi ako sa narinig. Hindi makagalaw dahil sa sobrang pagkabigla. "Oo! Siya ang pumatay sa Lolo mo kaya't unang beses palang na alam kong umaaligid siya sayo ay pinagbawalan na kita kaagad pero hindi ka nakinig!" Galit niyang sigaw sakin. Nakatulala lamang ako sa kaniya habang ang utak ko ay nagkakabuhol-buhol na sa mga iniisip. Si Dean? Papatay ng tao? Ayaw tanggapin ng puso ko ang mga narinig pero anong rason naman ni Lola para magbitaw ng mga ganitong salita kung walang katotohanan? Pinalis ko ang mga luha ko at tumingin sa kaniya ng diretso. "Gusto kong maniwala sa mga sinasabi mo Lola pero nasaan po ang patunay? Gusto ko pong makita. Dahil kapag totoo po ang mga sinabi ninyo ay ako na mismo ang mag-aaya ng kasal kay Wray." Seryoso kong sabi sa kaniya. "Bukas ng umaga ay ipapakita ko sayo, sa ngayon ay kailangan na nating magpahinga. Matulog kana." Tinalikuran niya ako at tuluyang iniwan. Ayokong tanggapin na magagawa ni Dean ang bagay na pumatay at sa Lolo ko pa. Wala sa itsura niya na kaya niyang pumatay ng tao. Kapag napatunayan ni Lola ang sinasabi niya ay tiyak na mapapasubo ako sa kasal. Napapikit ako sa inis. Bakit iyon pa ang sinabi ko kay Lola? Sa tuliro ng utak ko ay hindi na ako nakapag-isip mg maayos. Kinabukasan ay nagising akong mabigat ang ulo. Hindi ako pinatulog ng mga isipin ko dahil sa sinabi ni Lola. Idagdag pang namamahay ako. Bumangon ako at nag-ayos ng sarili. Next week pa raw ako pwedeng pumasok ng school dahil kaka-enroll lang sa akin, marami pa raw inaasikaso si Lola na mga requirements ko kaya't hindi pa ako makakapasok. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa labas ng mansyon. Natanaw ko kaagad si Wray na naglalakad papunta sakin. "Bakit?" Tanong ko kaagad nang makalapit siya. "Ihahatid kita kay Mondego." May pumitik sa dibdib ko nang marinig ang Mondego. Agad akong umiling sa kaniya. Kumunot ang noo niya at nagtataka akong tiningnan. "Binibigyan na kita ng pabor para magkausap kayong dalawa, ayaw mo pa?" "Hindi sa ayaw, may hinihintay lang ako kay Lola. May kailangan akong alamin bago ko harapin si Dean." "Ano naman 'yon?" "Nagkasagutan kasi kami ni Lola kagabi at nasabi niya na si D-dean daw ang pumatay kay Lolo. Ibibigay daw niya ngayon sa akin ang katunayan na totoo ang sinasabi niya." Sagot ko. Napansin ko ang pananahimik niya at tila nag-iisip. "M-may alam ka ba sa bagay na 'to?" Malamig niya akong tinitigan bago umiling. "Ember, hindi sa lahat ng oras ay pagkakatiwalaan mo lahat ng tao sa paligid mo." *** Hello everyone! The other chapters of this novel is in my VIP GROUP, including WAKAS and Special Chapters. If you want to continue you can purchase the VIP MEMBER. You can message me on my f*******: account for more questions: Lynne Laxuel HOW TO AVAIL VIP MEMBER? • VIP 200PHP - 1 Month Plan • VIP 550PHP - 3 Months Plan • VIP 1,000PHP - 6 Months Plan MOP: GCASH ONLY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD