Ember's POV
Bakas sa mga mata at mukha ni Dean ang galit habang nakatingin kay Miss Venna. Lasing na lasing ang huli at pasuray-suray na naglakad palapit sa amin.
Ngumiti siya kay Dean pero nang malipat ang mga mata sa akin ay naglaho iyon. Napalitan nang pagkasuklam ang mga mata niya.
Halos matumba ako sa gulat nang itulak niya ako nang malakas. Mabilis naman akong nasalo ni Dean. Itinayo niya ako ng maayos at inilagay sa likod niya. Pino-protektahan mula kay Miss Venna na mukhang hindi magpapaawat. Napalingon ako sa likuran ko at nakitang naroon sila Joaquin at Vernon. Matamang nanonood sa nangyayari.
"f**k you Deangelo Mondego! I hate you! I hate you!" Humahagulgol na iyak ni Miss Venna. Binalot ng awa ang puso ko habang pinapanood siyang hampasin sa dibdib si Dean.
Nanatiling nakatayo si Dean at hinahayaan na hampasin siya nito. Hindi ko makita ang reaksyon niya sa mga oras na ito dahil nasa likuran niya ako.
"I did everything that I could to make you fall in love with me but why? Why? Why can't you love me back?!" Puno ng sakit na sambit ni Miss Venna habang umiiyak pa rin.
Kumikirot ang dibdib ko sa nangyayari ngayon. Pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ng ganito ngayon.
"Sabay tayong lumaki pero kahit isang beses hindi mo ako tiningnan ng higit pa sa pagka-kaibigan! Why her? Why?! Is she good in bed?! Is she satisfy you enough?! I can do better! I can do better than her! I can give you everything that you want! Just. . . just love me back please?"
Halos madurog ako sa mga narinig. Good in bed? What? She's thinking that we do that kind of stuff?
Napaubo ako at lumayo nang bahagya sa kanila. Naaawa ako kay Miss Venna pero nakakapikon ang mga sinasabi niya.
Kita ko ang pagtaas nang isang kamay ni Dean, akala ko ay hahaplusin niya ang mukha ni Miss Venna ngunit isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito. Natutop ko ang bibig ko sa gulat. He slapped her hard. Halos matumba si Miss Venna sa lakas niyon.
"You do everything that I want, right? I want you out of my life! Our lives! Don't make me repeat my self b***h! Get out of here now!" Malakas na sigaw ni Dean.
Kita kong inayos ni Miss Venna ang sarili. Pinunasan ang mga luha pati na ang dugo sa gilid ng labi niya.
Matalas ang mga matang tumitig kay Dean.
"You'll regret this! Both of you will suffer! And you!" Turo niya sakin. Napaatras ako dahil sa nakakamatay niyang tingin. "This is not a fairytale that you're dreamed off! Deangelo isn't like a knight in shining armor that always be there for you! You will not get that happy ending with this f*****g dickshit! f**k both of you!"
Galit, pagkasuklam, lungkot, at pagkadismaya ang nakikita ko sa mga mata ni Miss Venna bago niya kami tinalikurang lahat. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya.
"You okay?" Si Dean nang makalapit sakin. Tumango ako pero hindi pa rin inaalis ang mga mata kay Miss Venna na palabas na ng gate ang sasakyan. Humaharurot iyon at 'tila walang pakialam kung makasagasa siya. "Don't mind her.." Hinila na niya ako papasok ng mansyon nang mapansin niyang nakatingin pa rin ako sa gate.
Sa muling pagpasok ko sa iskwelahan ay nabalitaan ko na nag-resign si Miss Venna at umalis ng bansa. Naging usapan iyon sa buong school at marami ang katanungan ng iba lalo na ang mga kapwa niya guro.
"Grabe, akala mong artista ang umalis kung maka-react mga tao rito!" Naiiritang sabi ni Cara na nasa tabi ko. "Wala na akong narinig sa mga nakakasalubong ko kundi puro si Miss Venna, ang pag-alis ni Miss Venna, ano kaya ang rason bakit siya umalis! Mygosh! Ang sakit sa tainga!"
Natawa ako nang bahagya sa pagrereklamo niya. She always like that. Sinasabi kung ano talaga ang nasa isip. May makarinig man o wala, wala siyang pakialam.
"Lower your voice, Cara. Baka may makarinig sayo.." saway ko sa kaniya.
Umirap siya sa hangin at nagpaypay ng sarili.
"As if I care?!" Mataray niyang sabi na ikinailing ko na lamang. Hindi naman siya magpapapigil.
Nang makalabas ako nang gate ng school ay agad kong nakita ang isang pulang sasakyan. Tapos na ang klase sa araw na ito kaya't kailangan ko nang umuwi dahil tiyak na nasa bahay na si Lola.
Lalagpasan ko sana ang pulang sasakyan nang bumukas ang pinto niyon. Lumabas ang isang lalaking may ngisi sa labi habang mariing nakatingin sakin.
"Wray.." Bati ko. "Anong ginagawa mo rito? May susunduin ka?"
"Ikaw.." kumunot ang noo ko sa sagot niya. Napansin niya iyon kaya't mas tumaas ang sulok ng labi niya. "Pinapasundo ka ng Lola mo sakin. Luluwas daw tayo ng Manila ngayon. Sasabay ka sakin dahil nauna na si Lola at tatay ko bumyahe."
Naguluhan ako sa sinabi niya. At hindi ko maintindihan si Lola sa inaakto niya ngayon. Masyado siyang conservative na ayaw niya akong sumasama o may lumalapit sa akin na lalaki pero pagdating kay Wray ay iba ang nakikita ko. Maluwag niya akong pinapasama kay Wray.
"Bakit daw luluwas tayo sa Manila? Anong mayroon?"
Nagkibit-balikat siya at kinuha ang bag ko sakin pero bago pa man niya makuha ay may pumigil na sa kaniya.
"Hep! Sino ka? Bakit kinukuha mo ang bag ng kaibigan ko?!" Mataray at nakahalukipkip na sabi ni Cara. Nagsalubong agad ang kilay ni Wray habang tinitingnan nang masama si Cara.
"Cara.." tawag ko sa kaibigan kong anumang oras ay handang makipag-away. "Kilala ko siya. Siya si Wray, anak siya ng kaibigan ni Lola."
Tila umurong ang tapang ni Cara. Alanganin itong ngumiti sa akin bago bumaling kay Wray.
"Sinusundo mo ang kaibigan ko? May Dean na 'yan, paalala ko lang." Hindi ko alam kung nang-aasar si Cara o ano, ni hindi siya nag-sorry kay Wray.
"I don't care. Let's go, Ember." Hinila niya ang kamay ko at inilapit sa sasakyan. "Ang ingay ng kaibigan mo. I don't like her." Bulong niya sakin.
Gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko. Mukhang masama talaga ang timpla niya kay Cara.
"Saan mo dadalhin kaibigan ko?" Taas ang isang kilay ni Cara habang kausap si Wray pero hindi siya ito pinansin.
Sinenyasan ko si Cara na manahimik na siya. Tinaasan lang niya ako ng isang nilay na ikinangisi ko.
"Sinundo niya ako dahil nautusan siya ni Lola. Luluwas kami ng Maynila ngayon. Kaya baka ilang araw din akong hindi makakapasok.." Paliwanag ko sa kaniya nang matahimik na siya sa kakatanong. "Babalik din ako kaagad." Nakangiti ko pang sabi.
Mariin siyang tumingin sakin bago sinulyapan si Wray na nakasakay na sa driver's seat.
"Okay, ingat ka sa biyahe Ember! Come back soon, okay?" Tumango ako sa kaniya at niyakap siya bago tuluyang sumakay sa sasakyan. "Alam ba 'to ni Deangelo?" Habol niyang tanong.
Umiling ako. "Hindi niya alam, ikaw nalang ang magsabi. Biglaan lang kamo. Babalik din ako kaagad." Tumango siya sakin bago kumaway.
Nasa biyahe na kami nang magsalita si Wray.
"I don't think your Lola will allow you to come back here again."
Lumapat ang mga mata ko sa kaniya nang marinig ang sinabi niya. Kunot ang noo at naguguluhan.
"Bakit naman ako hindi papayagan na bumalik dito ni Lola? Dito kami nakatira." Nagtataka kong tanong.
Mariin niya lang akong tiningnan at napailing.
"Just sleep, Ember. Mahaba pa ang biyahe natin."