CHAPTER 18

2027 Words
Ember's POV NAHIGIT ko ang paghinga ko nang makalapit sa amin si Dean. Madilim ang aura niya at anumang oras ay para na siyang manununtok. Napalunok ako at hilaw na ngumiti sa kanya. Hindi ko kasi alam ang gagawin, nawala rin sa isip ko na pupunta siya ngayon para sunduin ako dahil sa mga bisita namin. "What are you wearing, Ember Rose?" Malumanay ngunit nagbabanta ang pagtatanong niya. Nanuyo ang lalamuman ko at pinandilatan siya para sabihing manahimik siya at may ibang tao sa harapan namin. "Bestida 'to Dean kung hindi mo alam." Sarkastiko kong sagot ngunit mas dumilim ang mga mata niyang nakatitig sa akin. "Hindi ba sinabi ko sayo kaninang umaga na susunduin kita ngayong ala-siyete ng gabi?" Gusto ko na kumuha ng jacket sa kalamigan ng pagsasalita niya. Ngumuso ako at nilapitan siya upang hindi marinig ni Wray ang sasabihin ko. Halos maidikit ko na ang katawan ko sa kanya maabot lang ang tainga niya upang bumulong. I heard him cursed pero hindi ko pinansin. "Hindi ako makakasama, may bisita kami ngayon. Magagalit si Lola.." bulong ko sa kanya. Lalayo na sana ako ngunit ang matigas niyang braso ay pumulupot sa beywang ko na ikinabigla ko. Samu't saring emosyon ang gumapang sa sistema ko. Ngayon lang may lalaking humawak sa akin ng ganito. Si Dean lang. Napasinghap ako nang mas ilapit niya ang katawan ko sa kanya at siya naman ang lumapit sa tainga ko para bumulong. Ngunit halos mapugto ang hininga ko nang maramdam ang pagdampi ng labi niya sa tainga ko. Humigpit ang hawak ko sa balikat niya at halos mabibigat na ang paghinga ko sa ginagawa niya sakin. "I will kill that bastard if he touch you. I'm warning you, Ember. Just so you know, he's a friend of mine.." bulong niya pero hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil 'tila ako nawala sa sarili. Ang mainit niyang hininga na tumatama sa tainga ko at leeg ay nagbibigay ng kakaibang kiliti sa akin. Marahas ko siyang itinulak dahilan para mapabitaw siya sakin. "Mondego.." wika ni Wray. Napatingin ako sa kanya na may pagtataka. Magkakilala sila? Nakapamulsa siyang lumapit sa amin ni Dean at may multong ngisi sa labi niya na hindi ko maintindihan. "Wray." Pormal at malamig lamang na sagot ni Dean. "It's good to see you again.." sinulyapan niya ako at ibinalik muli ang mata kay Dean. "Here at Ember place of all places huh? Is she your girl?" Lumapit ng bahagya si Dean sa akin at hinawakan ang beywang ko. "She is. Don't f*****g touch her, Wray. You know me.." si Dean. Kumunot ang noo ko sa takbo ng usapan nila. Bakit ako ang parang naiipit sa kanilang dalawa? "Excuse me, magkakilala pala kayo pero para kayong magsu-suntukan na sa harapan ko. Can't you greet each other in a nice way?" Taas ang isang kilay kong tanong sa kanila habang nagpapalipat-lipat ang mata ko sa kanilang dalawa. Halos gusto kong pagsisihan ang pagsingit ko sa usapan nila nang sabay silang madilim ang mga matang dumapo sakin. "She's coming with me tonight, Wray. You know what to do to that old woman. She hates me." Iritadong wika niya. Wray chuckled. Namulsa ito at ngumisi sa amin. "Your beach resort in Siargao is the payment. Send me the documents tomorrow morning in my office, and make sure it's already under my name, Mondego." Ngising sabi nito bago kami talikuran ni Dean at lumakad palayo. Hindi pabalik sa bahay, kundi paalis ng lugar namin. Naiwan akong naguguluhan. "Ano raw 'yon, Dean?" Naguguluhan kong kalabit sa braso niya habang hindi binibitawan ng tanaw si Wray na malayo-layo na ang nalakad. "Tuso talaga ang gago!" Pakinig kong sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. "Let's go!" Higit niya ako sa braso habang nilalapit sa sasakyan niya. Pumiglas ako kaya napabitaw siya sa akin. Napatiim-bagang siya sa ginawa ko ngunit isang ngisi ang sumilay sa labi niya. "Umoo ba ako na sasama ako sayo ngayong gabi?" Taas ang isang kilay kong tanong sa kanya. "You didn't say anything. So, I'll take that as a yes." Umiling ako at umatras para makalayo sa kanya ng kaunti. "Hindi ako makakasama. Hahanapin ako ng Lola ko.." hindi ako pwedeng umalis ngayong gabi lalo na at may bisita kami sa bahay. Tiyak na mabubugahan na naman ako ng apoy ni Lola. "She will not. Si Wray ang bahala sa Lola mo, hindi ka niya hahanapin hangga't hindi bumabalik si Wray sa bahay nyo." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Now I get it. "Still a no. Hindi ako sasama dahil wala akong nakikitang rason para sumama sayo sa ganitong oras. At hindi ko rin alam kung saan mo ako dadalhin." Sinalubong ko ang mga mata niyang mariing nakatitig sa akin. "Do you.. hate me?" Umawang ang labi ko sa tanong niya. Hindi ko inaasahan na itatanong niya ito at sa tono niya ay ramdam ko ang lungkot at.. takot? "No. I don't hate you." Diretsa kong sagot dahil iyon naman talaga ang totoo. Umaliwalas ang madilim niyang mukha at ngumisi. "Then why are you avoiding me since last week? Can we talk about it?" Hindi ko na namalayan ang sarili kong sumama kay Dean. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Ang gusto ko lang ay makasama siya kahit saglit lang. Saglit na saglit lang. Dahil pagkatapos nito ay tiyak na malalaman ito ni Lola at baka ipatapon na niya ako sa Mindanao. Nakarating kami sa penthouse niya. Ito ang unang beses na nakapunta ako rito sa tinitirhan niya. Namangha ako sa ayos ng tirahan niya. "Are you hungry? Nagluto ako ng pagkain natin.." sabi niya habang tinitiklop hanggang siko niya ang long sleeve polo niya. Nakita ko ang tattoo sa braso niya ngunit ang mas nabigyan ko ng pansin ay mas gumwapo siya sa porma niyang iyon. "Don't stare at me young lady.." Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Why are you wearing that kind of dress? And this is the first time I saw your hair tied up." "Mainit kasi kanina sa bahay kaya isinuot ko itong bestida dahil presko. Ganoon din sa buhok, presko pag nakatali. Bakit, hindi ba bagay?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. "Mas lalo kang gumanda." Sa sinabi niya ay halos mapaso ako sa pag-iinit ng mukha ko. "If you're not yet hungry then let's talk about what happened last week." Seryoso niyang sabi bago naupo sa isang mahabang sofa. Tinapik niya ang bakanteng espasyo sa tabi niya. Lumapit ako at naupo. Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang daliri ko. "You saw us kissing but I'm not the one who initiate the kiss! f**k that woman!" Ramdam ko ng galit at irita niya kay Miss Venna. Hindi ako kumibo. Nanatili ang mga mata ko sa daliri kong pinaglalaruan. Hindi ko alam ang sasabihin at mararamdaman. Para kami magkasintahan na dapat may pag-usapan para malinawan kaming dalawa. "Nakita ko kung paano dumaan ang sakit sa mga mata mo nung araw na 'yon, Ember. Don't lie because I was there. Naroon ako kung saan ka umiyak ng umiyak. I followed you.." nakagat ko ang ibabang labi ko sa narinig. Kung naroon siya ay hindi ko na nga maitatanggi na nasaktan ako at nakaramdam ng selos. Alam niya. Alam niya ang nararamdaman ko sa kanya. Namuo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. May emosyon sa dibdib ko na gusto nang sumabog. "Hey.." tawag niya sakin bago ko naramdaman ang mainit niyang palad sa kamay ko. Nahinto ako sa paglalaro ng mga daliri ko at tiningnan siya. Kita ko ang pagkabigla sa mga mata niya nang makita ang ayos ko na lumuluha. "Why are you crying? May nasabi ba akong-" "Stupid! Alam mo na ang nararamdaman ko but yet umaakto kang hindi mo alam?!" May bahid ng iritasyon na sabi ko habang umiiyak pa rin. "Ofcourse not! Hindi ko naman alam na ganoon ang magiging reaction mo nang makita mo kami ni Ven-" "Please stop! Ayoko na marinig pa ang bagay na 'yan.." pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko at inayos ang sarili. "Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Hindi ko alam kung dahil ba sa alam mo na ang nararamdaman ko para sayo o dahil sa natatakot ako.." pag-amin ko. Lumamlam ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. "Afraid of what baby?" Tila may paru-parong sumabog sa tiyan ko nang marinig ang itinawag niya sakin. "Takot akong mahalin ang isang katulad mo. Hindi ko alam kung paano nagsimula pero bigla ko nalang-" Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ang mainit niyang labi sa labi ko. Hindi iyon gumagalaw. Tila magnet na naroon lang at nakadikit. Unti-unti ay napapikit ako at hinayaang maging malaya at masaya ang sarili kahit sa sandaling panahon. "Ember, tulala ka dyan!" Si Cara na naupo sa harapan ko habang dala ang pagkain naming dalawa. "Oh ito na pagkain mo. Kumain na tayo kesa tumulala ka dyan sa kawalan." Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago magsimulang kumain. Dalawang araw na ang lumipas nung nagpunta ako sa penthouse ni Dean. Nagkaroon na kami ng unawaan sa nangyari. Hindi pa kami opisyal na magkasintahan dahil sinabi ko sa kanyang ang una niyang ligawan ay ang Lola ko. Ayokong maglihim kay Lola at pagmulan pa ito ng magiging gusot namin. Gusto ko lang maging maayos ang lahat sa aming dalawa ni Dean lalo na sa kanilang dalawa ni Lola. Natapos ang buong maghapon na wala masyadong ginawa. Malapit na kasi ang bakasyon kaya puro projects nalang ang pinapagawa sa amin. Huminga ako ng malalim at inayos ang mga gamit ko para umuwi na. "Ang disney princess andyan na ang sundo!" Kinikilig na sabi ni Cara kaya napatingin ako sa pinto. He's there, standing with full of authority and dark aura around him. "Hanggang sana all nalang ako hayys!" Nakangusong sabi ni Cara na ikinatawa ko. "Wala ka ba ibanh pinsan na single or kaibigan? Ireto mo naman ako." Baling niya kay Dean na ikinailing ko habang natatawa. "Mayroon, one of these days ipapakilala kita sa kanya." Wika ni Dean bago lumapit sakin at kunin ang bag ko. "Ako na, magaan lang naman to.." nahihiya kong sabi. Naninibago pa rin ako sa mga kilos niya ngayon. Pinanindigan ang panliligaw. "I insist, let's go? Miryenda muna tayo then I'll take you home." Tumango ako at sabay-sabay na kaming tatlo lumabas ng classroom. Nauna nang umalis si Cara dahil ang daddy niya ang sumundo ngayon sa kanya. Habang kami ni Dean ay kakaupo palang sa loob ng sasakyan niya. Nagulat ako nang kunin niya ang isa kong kamay. Pinagsalikop niya ang mga kamay namin na ikinatuwa ng puso ko. Isang ngiti ang sumilay sa labi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Alam ko isang araw ay maglalaho lahat ng mga to dahil kapag nalaman ni Lola 'to, hindi ko alam kung ano ang magiging reaction niya. "Gusto mo ba makilala ang mga kaibigan ko?" Tanong niya habang nasa biyahe kami. "Syempre naman, kailan ba?" "Ngayon na.." nakangisi niyang sabi at pinaharurot ang sasakyan. Isang malaking gate ang nasa harapan namin at unti-unti iyong bumubukas. Namamangha ko iyong tinitingnan pero laglag ang panga ko nang tuluyang bumukas ang malaking gate. Isang napakalaking bahay, mali, mansyon na ito. Sobrang ganda at sa paligid ay nakakalat lamang ang mga mamahaling sasakyan. "Ipapakilala kita sa kanila ngayon, narito rin ang mga pinsan ko." Ngumiti ako sa kanya at muling ibinalik ang mga mata sa kapaligiran. Ipinarada ni Dean ang sasakyan sa isang tabi. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan bago hinigit ang beywang ko at nag-umpisa na kaming tahakin ang daan papasok sa mansyon. Ngunit hindi pa kami nakakapasok ay napalingon kami sa bagong dating na sasakyan. Bumangga lang naman iyon sa likod ng sasakyan ni Dean. Agad rumehistro sa mukha ni Dean ang galit at iritasyon. "Who the f**k is the driver of that goddamn car?!" Mahina nitong bulong na umabot sa pandinig ko. Bumukas ang pinto ng sasakyan at bumaba roon ang isang babaeng lasing na lasing. Napaawang ang labi ko nang makilala ang babae. "What are you doing here, Venna?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD