CHAPTER 17

2570 Words
Ember's POV ISANG LINGGO na simula nang iwasan ko si Dean. Pagkatapos nung naging usapan namin sa loob ng banyo ay iniwasan ko na siya. Hindi ko alam kung dahil sa natatakot ako o galit talaga ako dahil sa nakita kong paghahalikan nila ni Miss Venna. Ayokong aminin sa sarili ko na nakaramdam ako ng selos sa nakita ko, dahil natatakot ako para sa sarili ko. Natatakot akong magmahal sa mura kong edad. At lalong nakakatakot mahalin ang isang Deangelo Mondego. Huminga ako ng malalim at binuklat ang librong nasa ibabaw ng mesa ko. Wala pa si Cara. Masyado yata akong napaaga sa pagpasok. “Can we talk?” Awtomatikong nagrambulan ang dibdib ko sa gulat at kaba. Hindi ako nag-angat ng tingin at nanatiling nakatitig sa libro na kunwa'y binabasa ko. “Ember...” tawag niyang muli. “Embeeeer!” Laking tuwa ko nang marinig ang sigaw ni Cara. Nakahinga ako ng maluwag kahit na paano dahil sa pagdating niya. “Ay, nandito ka pala Dean..” tikhim niya. “Ano pinag-uusapan nyo?” Curious niyang tanong kaya napaangat ako ng tingin. Nilagpasan ng mga mata ko si Dean at diretsong tumingin kay Cara. “Wala, bakit ngayon ka lang?” Pag-iiba ko ng tanong. “You will talk to me now, young lady!” Malamig at may pagbabanta niyang sabi na ikinatingin ko sa kanya. Sa gulat at bilis ng pangyayari ay pasan-pasan na niya ako na parang sako ng bigas sa balikat niya. Naririnig ko pa si Cara na sumisigaw at nagtatanong kung ano raw ang nangyayari sa aming dalawa. Obviously, she have no idea. Mabilis akong pumiglas sa pagkakapasan sa akin ni Dean ngunit masyado siyang malakas. Mabuti nalang at walang tao sa hallway na gagawin kaming pulutan sa tsismis. “Anong ginagawa mo?! Ibaba mo ko!” Mahina ngunit puno ng gigil na sabi ko sa kanya. Ayoko makaagaw ng pansin sa ibang mga classroom na nadadaanan namin. At hangga't maaari ay itinatago ko ang mukha ko sa likuran niya upang hindi ako makilala kung sakali mang may makasalubong kami. “Hinayaan kita na iwasan ako sa buong isang linggo, Ember. Sa tingin mo makakapaghintay pa ako ng isa pang linggo para lang kausapin mo ko? No way!” Malamig niyang sabi habang naglalakad pa rin. Mas nadagdagan ang hilo ko sa kinalalagyan ko. Nang huminto siya sa paglalakad ay napadilat ako. Halos mahilo ako nang mabilis niya akong maiupo sa malamig na tiles. Nilibot ko ang mga mata ko at nasa loob kami ng banyo. Banyo ng mga lalaki. Matalim ko siyang tinitigan. Galit at inis at kung anong emosyon pa ang nararamdaman ko ngayon sa kanya. At hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit. Kahit ako mismo, hindi maintindihan ang sarili ko. “Ano bang kailangan mo at kailangan mo pa akong buhatin na parang sako ng bigas?! Hindi ka ba nahihiya sa inasta mo at nasa loob pa man din tayo ng paaralan!” Angil ko sa kanya. Malamig lamang niya akong tinitigan. “Ano?!” Inis kong sabi sa kanya. Itinulak ko ang dibdib niya para magkaroon ng distansya sa amin. Iniupo lang naman niya ako sa ibabaw ng lababo rito sa banyo, habang siya ay nakatayo sa harapan ko. Namulsa siya at umangat ang sulok ng labi. Para siyang natutuwa na napipikon sa akin. At wala akong pakialam. “Avoiding me in a whole week Ember huh?” Walang emosyon niyang sabi. “And so? Wala naman dapat tayong pag-usapan. Wala rin namang rason para makihalubilo ako sayo!” Inis kong sagot. Kita ko ang pagdilim ng mga mata niya. Napalunok ako dahil nakaramdam ako ng takot. “You're jealous..” wika niya. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya ngunit mabilis na nakabawi. Kumunot ang noo ko at taas noong sinalubong ang mga mata niya. “Walang rason para makaramdam ako ng pagseselos tulad ng sinasabi mo.” Matapang kong sagot. Ngumisi siya at mabilis na lumapat ang palad niya sa pisngi ko. Humaplos iyon doon, marahan at parang ingat na ingat. Sa ginawa niya ay nagbigay iyon ng kuryente sa buong katawan ko. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Mabilis ko siyang itinulak at bumaba mula sa lababo. “I need to go, mag-uumpisa na ang klase namin.” Paalam ko. Nakakailang hakbang palang ako ay napahinto rin agad ako nang magsalita siya. “I see you later at 7pm.” Kumunot ang noo ko at binalingan siya. Nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa pantalon niya habang mariin ang mga matang nakatitig sakin. Puno iyon ng emosyon na hindi ko mabasa kung ano. Ngunit ang mga mata niyang madilim at matapang ay naroon pa rin. Kahit sinong makasalubong siya ay ‘tila nanainisin na lumiko ng direksyon, huwag lang makasalubong ang taong ito. “7pm?” Nagtataka kong tanong. Hindi na ako maaaring lumabas ng ganoong oras dahil malilintikan ako kay Lola. Ayoko na siyang magalit muli sa akin. “Yeah, 7pm. Susunduin kita sainyo..” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. At agad na rumehistro ang kaba at takot sa sistema ko. “No. Hindi kana maaaring tumungtong sa lugar namin. Hindi ka maaaring makita ulit ng Lola ko. Tiyak na hindi niya magugustuhan kapag nakita ka niya..” mahina kong sabi. He chuckled then became serious. Hindi ko maintindihan ang mood niya. “I don’t care if she doesn't want to see me, the feeling is mutual.” Walang gatol niyang sabi. Nagtiim-bagang ako at matalim siyang tiningnan. “Wag kang pupunta sa bahay.” Matigas at pinal kong sabi bago siya iwanan. Hinihingal akong pumasok sa loob ng classroom dahil sa pagmamadali na makalayo kay Dean. Hindi pa ako nakakaupo ay eto na si Cara at kinukulit ako. Napapikit ako at napailing. “Ember Rose! What happened? Kanina pa kita tinatanong, hindi mo ko pinapansin! May ginawa ba sayo si Dean mo?!” Yugyog nya sa balikat ko. Umiling ako at napapagod siyang tiningnan. Hindi ako lulubayan ng babaeng ‘to kundi ko sasabihin. “Susunduin daw niya ako mamayang 7pm sa bahay..” mahina kong sabi. Namilog ang mga mata niya at ngumisi ng malawak. Pero agad din iyong nawala at saka ako matamang tiningnan. “One week kayong hindi nagpansinan ni Dean, tapos ngayon bigla siyang pupunta sainyo at susunduin ka. I smell something fishy. Hmm.. may hindi ka ba sinasabi sakin Ember? What's the score between you guys? Ayokong mahuli sa balita!” Pangungulit niyang muli. Mabuti nalang at dumating na ang teacher namin at nagsimulang mag-lecture. Nakahinga ako ng maluwag dahil nahinto ang pangungulit ni Cara sakin. Habang tumatakbo ang oras ay lalong lumalalim ang pag-iisip ko. Kahit nagdi-discuss si Sir Philip ay wala naman sa mga lessons niya ang utak ko. Bakit susunduin ako ni Dean mamayang gabi? Saan kami pupunta? Hindi ba siya natatakot sa Lola ko at ‘gayon na lamang ang lakas ng loob niyang pumunta sa bahay, kahit pa alam niyang ayaw siya ni Lola. Bumungtong hininga ako at tumingin sa kawalan. Ramdam ko na iba ang galit niya kay Dean. Para bang hindi lang siya galit dahil sa nakita niya kaming magkahalikan ni Dean. May pinagmumulan ang galit niya at iyon ang gusto kong malaman. Ngunit baka lalo lamang na magalit si Lola sakin pag nagtanong ako sa kanya tungkol kay Dean. Isang siko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. “Bakit parang namumula ka?” Natatawang bulong ni Cara sa tabi ko. “Iniisip mo si Dean mo no?” Nagpakawala ako ng irap sa hangin at umiling sa kanya. “Iniisip ko lang si Lola. Kahapon ay hindi siya umuwi kaya baka mamayang gabi umuwi siya. Baka totohanin ni Dean ang pagpunta sa bahay namin at ayokong magkaroon na naman ng tensyon sa pagitan nila ni Lola.” Mahina kong sabi sa kanya habang nakatingin sa guro namin at kunwa'y nakikinig. “Kapag sinabi ni Dean, ginagawa niya. Kaya kung ako sayo, mag-ready kana lang mamaya.” Hindi ko alam kung maaasar ako sa sinabi o ano. Hindi na ako nagsalita hanggang sa matapos ang klase buong hapon. Sabay kaming lumabas ni Cara ng school at naisipan naming maglakad pauwi para makapagkwentuhan lang. Magkasalungat ang daan ng mga bahay namin pero ayos lang dahil di naman kalayuan ang lalakarin ko pag naghiwalay na kami ng daan. “Alam mo ang Lola mo, napaka-kj!” Umpisa niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi niya. Dahil kung maririnig siya ni Lola ngayon siguradong mapapagalitan siya. “Ayaw niyan ba ‘nun kay Dean? Sa bahay nyo siya pumupunta kesa sa labas kayo nagkikita.” Kunot-noo ko siyang tiningnan. “What do you mean?” Lito kong tanong. “Hello girl! Halata namang gusto ka ni Dean at mukhang manliligaw nga sayo! Ang hina mo naman makaramdam!” Irap niya sakin bago ikinawit ang braso niya sa braso ko. “Hindi siya nanliligaw, Cara. At hindi rin niya ako gusto. Tumigil ka sa mga sinasabi mo at baka may makarinig sayo.” Saway ko sa kanya. “Hindi mo lang napapansin pero trust me, Ember. He likes you.. very much.” Umiling ako sa sinabi niya at hindi na kumibo pa. Hindi naman magpapatalo ang babaeng 'to eh. Naghiwalay ang daan naming dalawa at mag-isa ko na lamang tinatahak ang kalsada pauwi sa amin. Pasado palang ala-singko ng hapon kaya maliwanag pa ang kapaligiran. Marami akong nakakasalubong na kakilala at ang iba ay kalapit bahay pa namin. “Hi, Ember! Ang ganda-ganda mo talagang bata ka! Kahit saan atang anggulo kita tingnan ay walang kapintasan na masasabi sayong bata ka!” Masayang sabi ni Aling Lorna. Malapit na kaibigan ng Lola ko. “Naku, Aling Lorna. Salamat po..” nahihiya kong sabi bago siya lagpasan. Malapit na ako sa bahay namin nang matanaw ko ang dalawang itim na sasakyan na nakaparada. Agad akong binundol ng kaba sa hindi ko alam kung anong kadahilanan. Dumiretso ako ng pasok sa pintuan namin at bumungad sa akin si Lola at ang dalawang taong hindi pamilyar sa akin. “Narito na pala ang apo ko.. ito ay si Wray at ang kanyang ama na si Don Vicente..” pagpapakilala niya sa amin. “At ito naman ang nag-iisa kong apo, si Ember.” Ngumiti ako ng matamis sa mag-ama. Ngumiti rin naman agad si Don Vicente sa akin at kinamayan ako. “Tunay ngang maganda ang apo mo Mercedez..” puri niya. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa hiya. “Ikinagagalak kitang makilala, Ember.” Maluwang ang ngiti ng matanda kaya mas lumawak ang ngiti ko. Magaan ang loob ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit.. “Wray..” tawag ni Don Vicente sa lalaking nanatiling nakaupo. Malamig na mga mata ang dumapo sakin. Lumiit ang malawak kong ngiti nang magdaop ang mga mata namin. “Hello!” Bati ko sa kanya ngutin bored lang niya akong tiningnan at tinanguan. Nginitian ko sila bago lumapit kay Lola. “Sino sila Lola?” “Mga malapit silang kaibigan natin apo, ngayon lamang nagkaroon ng pagkakataon na maipakilala ko sila sayo dahil naglagi sila ng ilang taon sa States. Nito lang sila nakabalik muli ng Pinas.” Napatango ako sa sinabi niya. Nagkukwentuhan lamang si Lola at Don Vicente ng mga pangyayari noong kapanahunan nila. Habang ako ay nanatiling nakikinig sa kwentuhan nila at panaka-naka ay nakikisali sa usapan nila kapag ako ay kinausap o tinanong lamang. Nang madapo ang mga mata ko kay Wray ay nakatingin pala siya sakin. Nginitian ko siya ngunit hindi siya ngumiti. Nanatiling seryoso ang mga mata niya habang nakatitig sakin. Tumikhim ako at nagpaalam na papasok muna sa kwarto at magpapalit ng pangbahay. Hinubad ko ang uniform kong suot at pinalitan ng isang bestida na hanggang ibabaw ng tuhod ko. Sleeveless ito at kita ang maliit kong braso. Bihira ako magsuot ng ganito pero dahil sa mainit ang panahon ay naisipan ko lang itong isuot ngayon. Itinali ko ng mataas ang buhok ko para mas maging presko ang pakiramdam ko. Tumingin ako sa salamin at kumuha ng isang panyo at pinunasan ang butil ng pawis sa noo ko at ilong hanggang leeg. Dahil sa suot kong pulang bestida ay mas umangat ang kaputian ko. Natural na namumula ang pisngi ko dahil na rin siguro sa init ng panahon. Pasado ala-sais na at naisipan kong lumabas na ng kwarto. Ang akala ko ay nakaalis na ang mga bisita ngunit narito pa rin sila. Nagtama ang mga mata namin ni Wray. Maliit na ngiti ang iginawad ko sa kanya bago pumunta ng kusina para maghanda ng hapunan. Nagsaing muna ako at nag-iisip pa kung anong ulam ang pwedeng lutuin. Naghahalungkat ako sa loob ng ref nang marinig ko ang mga yabag. Umayos ako ng tayo at isinara ang pinto ng ref. “Apo, huwag kana mag-abala magluto ng ulam. May dinala sila Don Vicente na pagkain para sa hapunan natin.” Tumango ako at iniwan niya na rin ako agad. Binantayan ko na lamang ang sinaing ko dahil baka masunog pa ito pag iniwan ko. Ngunit hindi pa nag-iinit ang puwet ko sa upuan at narinig ko na ang pagtawag sakin ni Lola. Pinuntahan ko agad at baka importante. “Po?” Sambit ko. “Gusto raw mamasyal ni Wray dito sa atin. Ilibot mo siya sandali at pagkabalik ninyo ay kakain na tayo ng hapunan.” Nakangiting utos sakin ni Lola. Gusto kong ngumiwi sa utos ni Lola. Hindi ko alam kung bakit naisipan naman niya akong pasamahin sa lalaking ito. Gayon na alam niyang kakakilala palang namin. Tumango na lamang ako at niyakag palabas ng bahay si Wray. Saan ko naman kaya siya ipapasyal dito? Halos magdidilim na. Mag-a-ala sieyete na nga ata. “Hmm, saan mo ba gusto mamasyal? Sa mall? Malayo kasi mall dito sa am— “Mukha ba akong mahilig mag-mall?” Putol niya sa sinasabi ko. Magkasabay kaming naglalakad sa kawalan. Oo, hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta talaga at kung saan ko siya ipapasyal. Alam naman ni Lola na malayo ang parke rito sa amin. “Naitanong ko lang naman..” mahina kong sabi. “I just want to walk around. Ang tahimik sa lugar ninyo..” sabi niya at tumigil sa paglakad kaya't napahinto rin ako. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Matangkad siya pero mas matangkad si Dean. Gwapo rin kung tutuusin kaya hindi na ako nagtataka na pinagtitinginan siya ng mga babaeng nakakasalubong namin. “Ah, oo.. tahimik talaga rito sa lugar namin.” Wika ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko matagalan ang mga mata niyang mariin na nakatingin sakin. Hindi ako nakakaramdam ng takot o kaba. I think mabuti naman siyang tao. Sadyang may kakaiba lamang sa mga mata niya na hindi ko ma-explain. Natauhan lang ako nang isang magarang sasakyan ang huminto sa mismong harapan namin. Hindi man lang pinagka-abalang patayin ang headlights niya kaya nasisilaw akong gumilid, ganoon din si Wray na tumayo naman sa tabi ko. Nakaharang na kami kasi halos sa daan kaya hindi makakaraan ang sasakyan. Nang makagilid kami ay inaantay kong umandar ulit ang sasakyan ngunit pagbukas ng pinto niyon ang narinig ko. Napatingin ako roon at ganoon nalang ang rambulan ng mga daga sa dibdib ko nang makilala ang bagong dating. Madilim ang aura niya at nagsusumigaw sa mga mata niya ang galit na ikinagapang ng takot sa dibdib ko.. “Dean..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD