Chapter 16

2262 Words
Ember’s POV    “HINDI ba’t nag-usap na tayo na lalayuan mo ang lalaking iyon, Ember?” Puno ng galit na sigaw sa akin ni Lola. Si Cara ay nananatiling tahimik lamang at nakikinig sa usapan namin ni Lola. Si Dean ay hindi ko na nakita nang talikuran niya kami kanina, pagkatapos niya mag-iwan ng mga salitang mas nagpagalit kay Lola. Halos kaladkarin ako ni Lola palabas ng hospital habang kasunod namin si Cara na hindi malaman ang gagawin. Pinahid ko ang mga luhang nagkalat sa pisngi ko bago salubungin ang mga matang nag-a-apoy ni Lola. “Lola, bakit po ba galit na galit kayo kay Dean? Wala naman po siyang ginagawang masama. Sa katunayan ay natulungan na po niya ak—” Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang malakas na dumapo sa pisngi ko ang isang palad niya. Napahagulgol ako sa iyak. “Wala akong pakialam kung natulungan kana ng taong ‘yon! Ang gusto ko ay layuan mo siya kung hindi ay itatakwil kita bilang apo ko!” Sa mga narinig ay napatitig ako sa kanya. Halos manlisik ang mga mata niya sa’kin. “Huwag mo kong susubukan, Ember Rose!” Duro pa niya sa akin. “Wala po akong naiintindihan sa mga gusto ninyo, Lola. Sana mabigyan n’yo naman po ako ng sapat na dahilan kung bakit kailangan kong layuan si Dean!” Hindi ko na napigil ang sarili kong tumaas ang boses. “Wala akong nakikitang rason para layuan siya dahil sobrang buti niya sa akin!” Halos maiyak ako habang nakatitig kay Lola at naghihintay sa sagot pero umiwas siya ng tingin sa akin. “Umuwi na tayo,” malamig niyang sabi. “Cara...” tawag niya. “P-po?” Malumanay na sagot ni Cara. “Sabihin mo sa lalaking iyon na hindi na niya tayo kailangan pang ipahatid. Kaya nating tatlo umuwi.” Puno ng kalamigan na utos niya habang malayo ang tingin. “P-pero po—” po-protesta sana si Cara pero nagsalita ulit si Lola. “Gagawin mo o iiwan ka namin dito ni Ember?” Ismid niya. Nagkatinginan nalang kami ni Cara at tinanguan ko na lamang siya bilang pagsang-ayon sa gusto ni Lola. Naiiling na tumalikod si Cara at muling pumasok sa loob ng hospital. Habang ako ay naupo sa isang bato, hindi kalayuan kay Lola na nananatiling malayo ang tingin. Nahihiya ako kay Dean dahil sa inasta ni Lola sa kanya. At hindi ko rin akalain na dito pa kami magkikita, ang alam ko ay nasa Mindanao siya para ayusin ang lupa niya. Iyon ang paalam niya sakin, pero bakit narito siya sa Manila at anong ginagawa niya rito sa hospital? Hindi kaya pauwi na siya sa Nueva Vizcaya at dumaan lamang dito para may bisitahin? Ang alam ko kasi ay wala naman kaming mga kamag-anak dito sa Manila. Puro nasa malalayo sila kaya baka isang kaibigan o kakilala niya ang binisita niya. “Lola, ang sabi po ni Deangelo ihahatid na raw po niya tayo.” Si Cara at hinihingal pa nang dumating. “Nandito na ang sundo natin. Sumakay na kayong dalawa.” Malamig na sabi ng Lola. Napatayo ako sa kinauupuan ko at tiningnan ang sinasabing sundo ni Lola. Muli ay nagka-tinginan kami ni Cara at parehas kaming nagtataka kung kanino at sino ang may-ari ng sasakyan na ito. Hindi ako masyadong pamilyar sa mga sasakyan pero alam kong mamahalin ang isang ito. “Lola, kanino po itong sasakyan?” Tanong ko na puno ng pagtataka. “Tama na sa pagtatanong, sumakay na kayong dalawa at uuwi na tayo.” Ismid niyang sagot sakin.  Napakagat-labi ako at walang nagawa kundi ang sumunod sa utos niya, ganoon din si Cara. Pagpasok namin sa loob ng sasakyan ay may isang driver sa loob na hindi ko kilala. “Fredo, sa Nueva Vizcaya tayo. Ihahatid ang mga bata.” Seryosong utos ni Lola na ang tanging sagot ng driver ay marahan na tango. Kumunot ang noo ko sa pagtatakang muli dahil sa tono ni Lola sa pakikipag-usap sa lalaki. Hindi ko maipaliwanag pero parang may mali, parang may hindi tama. Nasa tabi ko si Cara na mukhang walang pakialam sa nangyayari o sadyang hindi lang niya napapansin ang napapansin ko? Sabagay, hindi naman ganoon kakilala ni Cara si Lola, kaya’t hindi niya ito kabisado. Tanging alam niya kay Lola ay nakakatakot kapag galit kaya nga tameme lang siya kanina pa. Huninga ako ng malalim at piniling manahimik. Sa bahay ko nalang siguro kakausapin si Lola. Sa buong biyahe ay wala ni isa sa aming ang nagsasalita hanggang sa makarating kami sa bahay. Bumaba kami ng sasakyan ni Cara kasunod si Lola na nakatingin sa isang sasakyan na kakahinto lang. Si Kuya Fredo ay bumaba rin para tingnan kung sino ang nakasunod sa amin. Lumakad si Lola kasundo si Kuya Fredo palapit sa sasakyan. Bago pa sila nakalapit ay lumabas na ang sakay niyon. Dalawang lalaki. Nilapitan sila ni Lola at parehas na binigyan ng isang sampal na ikinagulat namin ni Cara. “B-bakit sila sinampal ng Lola mo? Sino ba sila?” Ramdam ko ang kaba niya habang hindi inaalis ang mga mata sa kanila. Bahagya akong umiling at tinitigan si Lola. “Hindi ko rin alam, Cara. Wala akong naiintindihan sa nangyayari.” Mahina kong sabi. Mula sa kinatatayuan namin ay nakikita namin kung paano duruin ni Lola ang dalawang lalaki at halatang gigil na gigil siya sa mga ito. Pero ang mga sinasabi niya ay hindi namin masyadong marinig. Mukhang sinasadya niyang hinaan para hindi namin marinig. Gumalaw ang dalawang lalaki at mabilis na sumakay sa sasakay. Mukhang paalis na sila kaya’t tinalikuran na sila ni Lola kasundo si Kuya Fredo. Nang makalapit sila sa amin ay tiningnan ko sa mga mata si Lola pero kay Cara siya nakatingin. “Cara, dito kana matulog ngayong gabi para may kasama si Ember. Kailangan kong bumalik sa Manila at may aasikasuhin ako,” malamig niyang sabi bago tumingin sakin. Mata sa mata at ramdam ko ang pagbabanta roon. “Ayoko na mauulit ang ganito, Ember.” Napalunok ako at marahan na tumango. Nakahinga kami ni Cara nang makaalis na sila. Hinila niya ako papasok sa loob ng bahay namin pero nanatili akong tulala at nag-iisip. “Ember, nakakatakot ang Lola mo! Hindi kakayanin ng katarayan ko!” Ungot niya habang pinapaypayan ang sarili ng palad. “Bakit ganoon nalang ang galit ng Lola mo kay Dean? Anong nangyari ba?” Kuryosidad ang nakikita ko sa mga mata niya. Umiling ako at bumuntong-hininga. “Trust me, Cara. Kahit ako walang naiintindihan. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya kay Dean. Oo, hinalikan ako ni Dean at nakita niy—” “What?! Hinalikan ka ni Dean?! Nag-halikan na kayo?! Kailan?! Saan?!” Gulat na gulat niyang sabi. Napahilamos ako sa mukha ko at napatango. Niyugyog niya ako nang malakas at kinikilig na umupo sa tabi ko. “Nahuli kayo ni Dean na naghahalikan kaya ganyan naman pala magalit ang Lola mo!” Pang-aasar niya. “Alam mo naman kasi ang matatanda rito sa lugar natin, akala nila ang halik ay nakakabuntis na!” Tawa niya bago ako matalim na tiningna. “Bakit mo binigay agad ang first kiss mo sa hindi mo naman boyfriend aber?!” “Hinalikan niya ako, okay? Hindi ko ginusto 'yon, basta nangyari nalang.” Paliwanag ko pero naniningkit ang mga mata niya sa akin at tinitingnan kung nagsasabi ako ng totoo. Napailing na lamang ako. Hindi ako kumbinsido na dahil sa halik ay nagkaganoon na si Lola. Ramdam ko at alam kong hindi dahil lang doon ang dahilan. Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Cara at uuwi na raw siya. Sa school nalang kami magkikitang dalawa. Tulala lamang ako habang nagka-kape rito sa kusina namin. Iniisip ko ang mga nangyari at alam ko na hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman ang dahilan ni Lola. Alam kong may rason siya kung bakit ganoon nalang ang trato niya kay Dean. Napahinto ako sa paghigop sa kape ko nang may maisip. Kaagad kong inubos ang natitira bago nag-ayos ng sarili para sa pagpasok. Huling sulyap sa salamin ang ginawa ko bago lumabas ng bahay habang sukbit ang bag ko. Nagmamadali akong pumara ng tricycle at nagpahatid sa school. Maaga pa masyado kaya't wala pa gaanong kapwa ko istudyante. Pumasok ako at dumiretso sa main office ng school. Hindi ako sigurado pero kailangan ko pa rin na subukan. Nakaawang ang pinto ng main office. Nagtataka ko iyong nilapitan at tiningnan. Narito na kaya si Miss Venna at bukas na ang pinto niya? Hinawakan ko ang seradura pero agad akong natigilan nang may marinig. Isang ungol ng babae. Napapikit ako at kinain ng kaba ang sistema ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam ang gagawin. Isang impit na ungol muli ang aking narinig bago ko idinilat ang mga mata ko at tumingin sa blangkong pintuan. Nanginginig ang kamay kong hawak ang seradura bago nag-desisyon na buksan iyon dahil baka kung ano na ang nangyayari sa loob. “f**k!” Galit at sigaw ng isang lalaki ang bumungad sakin. Tulala at nanlalaki ang mga mata ko habang tinitingnan ang dalawang tao na nasa loob ng kwarto. Si Miss Venna na magulo ang buhok at inaayos ang sarili sa taranta at si... Dean na magulo rin ang buhok at polo na suot. Hindi siya nag-atubili na ayusin ang sarili. Blangko lamang niya akong tinitigan. Dahan-dahang napaatras ang isa kong paa hanggang sa mahanap ko ang sarili at nagawang kumilos at tumakbo palayo sa kwartong iyon. Hindi ko alam ang nangyayari sa sarili ko. Sumisikip ang dibdib ko na para bang may maliliit na karayom ang tumutusok doon. Isa-isang nag-alpasan ang mga maiinit na luha mula sa mga mata ko. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa likod ng school kung saan wala pang tao. Hinihingal akong sumandal sa malamig na pader habang patuloy sa pagluha. Napahawak ako sa dibdib ko at mabilis na pinunasan ang mga luha na nasa mukha ko ng panyo. Inayos ko rin ang nagulo kong buhok dahil sa pagtakbo. Napakagat-labi ako nang maalala ang ayos nilang dalawa. Oo, nasasaktan ako sa nakita ko. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang ginagawa nila. Masakit lang dahil pinaramdam niya sakin na gusto niya ako pero ito ang makikita ko. Huminga ako nang malalim. Bata pa ako, hindi ko dapat iniisip ang mga ganitong bagay. Marami pang pwedeng mangyari at mas kailangan na mag-focus ako sa pag-aaral ko. Kung anuman ang kailangan ko malaman tungkol sa galit ni Lola kay Dean ay hindi ko na muna bibigyan ng pansin. Mas may mga importante akong dapat gawin. Inayos ko ang sarili ko bago muling pumasok sa loob ng school na parang walang nangyari. Kalmado kong tinahak ang daan papunta sa classroom ko. Baka naroon na si Cara at hinihintay ako. Nasa second floor palang ako at may iilan na akong kamag-aral na nakakasalubong. Malapit na ang oras ng klase. Minabuti ko munang pumunta sa comfort room na nasa second floor para tingnan sa salamin kung maayos ba ang itsura ko. Mahirap na at baka mapuna pa ako ni Cara. Pumasok ako agad at inilapag sa gilid ng sink ang bag ko bago tiningnan ang sarili sa salamin. Bahagyang namumula ang mga mata at ilong ko. Halata masyado na galing ako sa pag-iyak. Napabuntong-hininga ako baka maghilamos. Narinig ko pang nagbukas at sara ang pinto ng CR pero hindi ko iyon pinansin. Kailangang hindi mahalata ni Cara na galing ako sa iyak dahil tiyak na hindi niya ako titigilan sa kakatanong kung ano nangyari. Kinapa ko ang panyo ba nasa gilid ng bag ko bago pinatay ang gripo. Pinunasan ko ang mukha ko pero muntik na akong mapatili nang makita ang taong nasa likuran ko at matiim na nakatingin sa akin. Nilamon ng kaba ang dibdib ko pero hindi ko iyon pinahalata. “Sorry for making you cry..” Mahina niyang sabi habang hindi bumibitaw ang mga mata sa akin. Kinalma ko ang sarili bago tiningnan siya sa mga mata niya na nasa repleksyon ng salamin. “I’m not. Napuwing lang ako ng insekto kaya kinailangan kong linisan ang mata ko.” Malamig kong sagot. Tumaas ang gilid ng labi niya na ikinalunok ko. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pag-aayos ng sarili. “I'm sorry, Ember. Hinalikan lang ako ni Venna at—” “Okay lang, Dean. Hindi mo kailangang magpaliwanag. Estranghero lang ako sa buhay mo kaya hindi mo dapat bigyan ng pansin.” Putol ko sa sinasabi niya. Nang kuntento na ako sa mukha ko ay kinuha ko na ang bag ko at akmang lalabas na nang hawakan niya ang braso ko. Tila nakuryente ako sa pagdampi ng palad niya sa balat ko kaya't mabilis ko iyong inalis at matalim siyang tiningnan. Kita ko ang paglunok niya na ‘tila hindi alam ang gagawin. “Look, Ember, siya ang humalik sakin at hindi ako. Please, maniwala ka sakin..” sabi niya habang nakikipagtitigan sakin. “Wala akong pakialam. Wag mo na akong lalapitan ulit. Tama ang Lola ko, dapat kitang layuan.” May bahid ng galit sa bawat salita kong binitawan sa kanya. Kitang-kita ko ang pagbabago ng mukha niya. Dumilim iyon at naging malamig at blangko ang kanyang mga mata. Mabilis niyang hinablot ang isa kong braso at inilapit ang katawan niya sa akin. Halos manginig ang tuhod ko sa takot sa nakikitang Dean na nasa harapan ko. “Don’t mess with me, young lady. Hindi mo magugustuhan. You will be mine in so f*****g many ways!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD