Chapter 14

1435 Words
Ember's POV Mula nang lumusong kami dito ni Cara sa swimming pool ay hindi na niya ako tinigilan kakatanong kung bakit nasa kwarto ko si Dean. Nang kumatok siya sa kwartong inookupa ko ay si Dean ang nagbukas ng pinto para sa kanya, kaya't gulat na gulat siya nang makita ito sa kwarto ko. Napabuga ako ng hangin sa kakulitan niya bago naiiling na inirapan siya. "Wala, Cara. Hindi ko rin alam kung bakit nasa kwarto ko siya. Basta bigla nalang siyang pumunta roon," nakasimangot kong paliwanag sa kanya dahil kanina pa niya ako naiinis sa kakatanong niya. "Hindi nga? Wala naman kayong kababalaghan na ginawa?" Mariin siyang tumingin sakin. "Bata pa tayo, Ember ha! Okay lang ang magka-crush o ma-inlove sa edad nating ito pero please, know your limits!" Irap niya bago sumisid. Napailing nalang ako sa kanya. Alam ko naman ang limitasyon ko. Oo, gusto ko si Dean pero hindi sapat na rason 'yon para ibigay ko ang sarili ko sa kanya ng ganoon kabilis. Napalingon ako kay Miss Venna at Dean na nasa isang bench. Nag-uusap sila at nakikita ko ang panaka-nakang pagtawa ni Miss Venna, si Dean ay nananatiling seryoso at ang mga mata ay nakatuon sa akin. Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Mabuti nalang at umahon agad si Cara at niyakap ako sa beywang. "Sisid na, Ember! Ano pa ang ginagawa mo?" Natatawa niyang sabi. "Ahm.. comfort room muna ako, Cara. Babalik din ako agad," sabi ko. Kailangan ko lang makalayo sa presensya ni Dean. Tinitigan niya ako ng mabuti na parang sinusuri bago ako bitawan, "Bilisan mo ha!" Tumango ako sa kanya at umahon mula sa pool. Kalahating bahagi palang ng katawan ko ang nababasa habang ang mukha ko at buhok ay hindi pa. Sa banyo nalang siguro ako magbabasa bago lumusong ulit sa pool. Naiilang man ako sa suot kong one piece ay wala akong nagawa nang ipasuot ito sakin ni Cara. Wala sa bokabularyo 'nun ang ayaw. Kagaya ng gusto ko ay umalis ako sa pool at tinahak ang daan papunta sa comfort room. Nalingunan ko pa si Miss Venna na iniwan si Dean. Hindi ko nalang pinansin at ipinagpatuloy ang paglalakad. Malaki din ang private resort na ito at hindi ko pa kabisado kaya't nagpalinga-linga pa ako bago nahanap ang sign ng comfort room. Napahinga ako ng malalim bago pumasok sa banyo. Walang tao kung hindi ako lang.  Humarap ako sa malaking salamin, tinitigan ang sarili. Kinapa-kapa ko ang pisngi ko dahil pakiramdam ko ay nag-iinit iyon sa tuwing nasa paligid ko si Dean.  Confirmed! I like him! Not as my friend or whatever but I like him as a man. Napapikit ako at dinama ang t***k ng puso ko. Bumibilis iyon sa tuwing nakikita ko si Dean, kakaibang t***k na may halo-halong emosyon. Excitement, saya, kilig, hindi ko alam. Ngayon ko lang ito naramdaman, ngayon ko lang ito naranasan kaya bago sakin ang lahat ng ito. Napadilat ako nang maramdaman kong may nakatingin sakin. Mula sa repleksyon ko sa salamin ay may isang tao ang nasa likuran ko. Nakatingin sakin ng matalim. Mabilis akong napaharap sa kanya at napakapit sa gilid ng lababo. "M-Miss Venna?" Kabado kong sambit. Ngumiti siya sakin ng matabang. "What did you do to Dean?" Walang emosyon niyang tanong. Naguguluhang napakunot ang noo ko sa tanong niya. "You're still a teenager but you already got Dean's attention, what did you do?" "H-hindi ko po a—" "Oh, yes! You don't know because you're stupid and naive!" Maanghang niyang sigaw sakin. "You're beautiful but nothing! Hear me?! You're just nothing, Miss Nobleza! Hindi ikaw ang babagay sa isang Deangelo Mondego, remember that! Kaya kung ako sa 'yo, huwag kang umasa na matatanggap ka ng pamilya nila! You don't know them, do you?" Nakataas ang isang kilay niyang tanong sakin. Ang dibdib ko ay sasabog sa sobrang galit at sakit. Gusto ko siyang sigawan at patulan pero hindi ko kaya. Tuluyang tumulo ang mga luha ko dahil alam kong totoo ang sinasabi niya na hindi ang isang katulad ko lang ang babagay kay Dean. Wala akong kayang ipagmalaki, mahirap at isang simpleng babae lamang ako na taga-probinsya. Walang alam sa mundo. Tumawa siya nang hindi ako nakasagot. Lumapit siya sakin pero wala na akong lakas ng loob para gumalaw pa sa kinatatayuan ko. Hinaplos niya ang pisngi kong may luha bago ngumiti sakin ng matamis. "See? You're really naive. Ni hindi mo kilala ang isang Deangelo Mondego o ang pamilya nila. May google dear, pwede kang mag-search about sa pamilya nila. At 'saka mo tingnan ang sarili mong kinatatayuan sa katayuan ng isang Deangelo Mondego. Walang-wala ka lang," binitawan niya ang pisngi ko at lumayo ng konti sakin. "Isang basahan ka lang!"  Matigas niyang bigkas bago ako iwan sa banyo. Bumuhos ang mga luha ko sa sakit na nararamdaman. Humarap muli ako sa salamin at tinitigang mabuti ang sarili. Tama si Miss Venna. Wala lang ako. Nang makabalik ako sa pool area kung nasaan sila Cara ay mas pinili kong maupo na lamang sa isang bench at pagmasdan sila. Napangiti ako nang makitang mukhang close na ni Cara si Gustavo at Joaquin. Wala akong ideya kung paano nila nakuha ang loob ni Cara. Ngayon ay masaya silang naghahabulan sa swimming pool. "Hey, are you okay?" Napakislot ako sa pagkabigla nang bumungad sakin si Dean na may dalang isang basong orange juice. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, "O-oo, ayos lang ako." "Why don't you join them?" Kita ko ang pag-nguso niya kila Cara bago inabot sakin ang baso na hawak niya. Kinuha ko naman iyon, "Thank you," nag-iwas ako ng tingin sa kanya bago napayuko. "Naligo na ako kanina sa comfort room." Totoong naligo na ako sa comfort room kanina pagkatapos kong umiyak. Pumanhik din ako sa kwarto ko upang magpalit ng damit at bumalik dito dahil tiyak na hahanapin ako ni Cara. Nawalan ako ng gana na enjoyin ang maikling bakasyon na ito at isa pa, halatang umiyak ako kanina kaya minabuti kong ayusin nalang ang sarili ko. Ayokong malaman ni Cara ang nangyari. "Oh, come on, Ember! Kailangan mo mag-enjoy!" Natatawa niyang sabi at hinawakan ang isa kong kamay. Marahas ko iyong kinuha pabalik at napapasong lumayo ng konti sa kanya. Nawala ang ngiti sa labi niya at nagtataka akong tiningnan. "May problema ba?" Umiling ako sa kanya. "W-wala, masakit lang ang ulo ko." Pagdadahilan ko para hindi na niya ako pilitin na maligo sa pool. Pero nagkamali ako. Mabilis niya akong hinila patayo mula sa pagkakaupo at ipinasan sa isang balikat niya. Napatili ako sa gulat at malakas na hinampas ang matigas niyang likod. Nahagip pa ng paningin ko si Miss Venna na nasa hindi kalayuan at kitang-kita ang nangyari. "Ibaba mo ko, Dean!" Tili ko. Dahil sa sigaw ko ay naagaw na namin ang atensyon nila Cara. Rinig ko ang pang-aasar nila at tawanan. "Let's enjoy this day, little brat!" "No, no, no! Dean!" Sigaw at tili ko pero huli na, ibinalibag na niya ako sa pool. Naramdaman ko rin ang pagbagsak niya sa tubig bago ako higitin sa beywang. Pinalo ko ang braso niya kahit nasa ilalim kami ng tubig. Hinihingal ako nang makaahon habang siya ay tawa ng tawa. Pati na rin sila Cara ay rinig ko ang pagtawa. Masama ko siyang tiningnan bago sabuyan ng tubig sa mukha niya. "You're a jerk!" Sigaw at irap ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako. "Tingnan mo ang ginawa mo, kapapalit ko lang ng damit, Dean!" Naiinis kong singhal sa kanya. "Then, I'll buy you one." Ngising sabi niya na ikinatigil ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at lumangoy papunta sa gilid ng pool. Hindi niya dapat ito ginagawa sakin. Hindi siya dapat nagtatapon ng pera para sakin o sa amin ni Cara. Mali ito. "Hey!" Natatawa niyang habol sakin habang hinihingal. "Parang pasan mo ang mundo. May problema ba?" Tanong niya nang makarating kami sa gilid ng pool. "W-wala. Gusto ko nang umuwi." Natahimik siya sa sinabi ko. "Bakit? Hindi ka ba nag-e-enjoy na kasama ako?" Kunot-noo niyang tanong. Umiling ako, "H-hindi sa ganoon. Pagod lang siguro ako." Pag-iiwas ko. Magsasalita pa sana siya pero naagaw na ni Miss Venna ang atensyon niya. Nakangiti ito habang papalapit sa amin at suot ang black two piece kaya kitang-kita ang kagandahan ng katawan nito. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Angelo, let's eat na. I prepare something for you." Matamis itong nakangiti habang nakayukod ng bahagya kay Dean dahilan para kitang-kita ang malaki nitong dibdib. "Thanks but no thanks. Sabay na kaming kakain ni Ember, magpapalit lang kami ng damit." "But—" si Miss Venna. "Let's go, Ember." Nabigla ako nang buhatin niya ako habang hawak sa magkabila kong beywang at iangat paalis sa pool. "Let's eat together. Don't worry about Cara. She's with my cousins." Sabi niya at mabilis na umahon. Hindi man lang tinapunan si Miss Venna ng tingin na ngayon ay nakatulala sa amin. Hinawakan niya ang isa kong kamay at hinila na bago siya nagsalita na hindi man lang lumilingon. "See you around, Venna."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD