Chapter 13

1724 Words
Ember's POV Tulad ng gustong mangyari ni Dean ay sa front seat nga ako naupo, si Miss Venna at Cara ay magkatabi naman sa backseat. Ang dalawang pinsan niya ay nasa isang sasakyan habang nakabuntot sa amin. "Here's my pillow neck, Ember. Medyo malayo ang biyahe natin." Napalingon ako kay Dean at agad bumaba ang tingin ko sa hawak niya. Kinuha ko iyon at bahagyang ngumiti sa kanya. "Salamat," sabi ko. Pakinig ko ang pag-ubo ni Cara sa likuran namin, "Sana all!" Tawa niya. May narinig ako na parang nagdabog pero alam ko nang si Miss Venna 'yon. "Alam ba nila Tita na may kasama tayong mga stangers?" Si Miss Venna at nasa tono ang pagtataray. Nilingon ko si Dean na nasa tabi ko na nagda-drive. "Walang problema sa mga magulang ko kung may isasama akong hindi na ibang tao para sakin, Venna." Malamig niyang sagot kay Miss Venna. Napakagat labi ako nang marinig ang bungisngis ni Cara. "Anong tinatawa-tawa mo dyan, Miss Peñaflor?" "Venna." Walang emosyon na sita sa kanya ni Dean. Sa buong biyahe ay walang nangyari kung hindi ang mga parinigan, pagdadabog ni Miss Venna, at ang paulit-ulit na pagsaway sa dalawa ni Dean. Parehas yata kaming sasakit ang ulo sa dalawang nasa likod. Sobrang layo ng binyahe namin dahil mula Nueva Vizcaya ay nakarating kami dito sa Tagaytay. Nakailang idlip din ako pero dahil hindi ako sanay sa biyahe na natutulog ay nagigising agad ako. Parehas pa kaming walang dalang extra na damit ni Cara, tanging mga bag lang namin ang mga dala namin at ang laman ay ilang notebooks. Sinundan ko ng tingin ang nakasulat sa itaas ng building. Hotel Kimberly. Mukhang private resort 'to. "Venna, bumaba kana rito. Nasa loob sila mommy. Sabihin mo may pinuntahan lang kami sandali." Pakinig kong utos ni Dean. Nagdadabog na bumaba ng sasakyan si Miss Venna. Malakas pa nitong sinara ang pinto ng sasakyan at nagmartsa papasok sa loob ng hotel. "Sorry about her. Isipin n'yo nalang na may kasama tayong 7 years old." Napalingon ako kay Dean at naiiling siya na tinanaw din si Miss Venna. "Ang tanda-tanda niya na, ganyan pa attitude niya?! May padabog-dabog pa! Teacher pa 'yan ha!" Inis na wika ni Cara na nasa likuran namin. Nagkibit-balikat ako sa kanilang dalawa. Ayoko ng dagdagan ang mga sinasabi nila dahil tama naman sila. Hindi ko rin maintindihan si Miss Venna kung bakit mainit ang dugo sakin. Wala akong ginawang masama o mali sa kanya. Mabuti na nga lang at hindi naaapektuhan ang mga grades ko. Ayos naman siya magbigay sakin ng mga marka pero iba pa rin ang pakikitungo niya sakin kaya napapaisip ako. "Saan tayo pupunta?" Si Cara nang paandarin ni Dean muli ang sasakyan niya. "Sa malapit na mall lang. Bibilhan ko kayo ng mga gamit n'yo," sagot niya habang ang mga mata ay nasa daan. "Ay mabuti naman! Wala kaming dalang kahit na anong gamit, maliban sa mga bag namin. Hindi mo kasi agad sinabi, hindi kami nakapaghanda tuloy!" Natatawang sabi ni Cara. "Sorry, naisip ko lang na boring ang maikling bakasyon na ito kung hindi ko makikita si Ember." Seryoso niyang sabi na hindi man lang iniwan ng tingin ang daan. Namula ako sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin. Pakinig ko ang kinikilig na tawa ni Cara sa likuran. Gusto ko siyang sipain palabas ng sasakyan. "Wala kana bang ibang pinsan na single bukod sa dalawa?" Biglang tanong ni Cara matapos kiligin. "Si Gunner ay may asawa na, si Gustavo at Joaquin kaliwa't kanan ang mga babae kahit masasabi kong single sila," umismid si Cara sa narinig.  "At si Vernon, single rin pero mukhang ayaw sa mga babae. Siya ang ipinadala ko para maging substitute teacher ni Venna." Napalingon ako kay Dean sa sinabi niya. Si Cara na mula sa likuran ay napapunta sa gitna namin ni Dean, nakasungaw ang ulo niya. "Paki-ulit ng sinabi mo? Yung Vernon, siya ang kapalit pansamantala ni Miss Venna?" Si Cara na tulad ko ay naguluhan. "Pero si Gustavo at Joaquin ang nagturo sa section namin," singit ko. Napasulyap sa amin si Dean bago kumunot ang noo. "What?" Sambit niya bago napailing. "Ano na namang ginawang kalokohan ng dalawang 'yon?" "Ano pa nga ba ang gagawin? Pinapunta lang naman niya ang section namin sa gym! Pagkatapos, puro mga babae sa higher level ang inatupag! Alam mo, Deangelo, masisira ang pangalan ng school mo kung naroon ang dalawang gago lagi dahil tiyak na walang gagawing mabuti sila roon! Hindi sila mabuting ehemplo sa mga tulad naming kabataan!" Sumbong ni Cara at hindi ko alam kung sinusulsulan lang niya si Dean o ano. "Ako na bahala sa kanila. Hindi na mauulit ang nangyari kahapon sa section n'yo," sagot niya. Tulad ng sinabi ni Dean ay ibinili nga niya kami ni Cara ng mga gagamitin namin. Shampoo, lotions, sabon, toothbrush, maski bra at underwears namin ay mayroon at mga ilang pirasong damit. Isiningit din ni Cara ang apat na one piece at iyon daw ang susuotin namin sa resort. Wala akong nagawa nang ipabili niya iyon kay Dean. Hindi ko naman kasi susuotin iyon. Pagkatapos namin mamili ay bumalik agad kami sa private resort. Ipinakilala kami ni Dean sa parents niya at magiliw naman nila kaming tinanggap. "Taga-saan sila, hijo?" Tanong ng mommy ni Dean habang nakangiti. "Kababayan mo sila, My. Nueva Ecija, istudyante sila ni Venna," sagot naman ni Dean sa mommy niya. Tumango sa amin ang mommy at daddy niya bago kami sinamahan ni Dean sa magiging kwarto namin ni Cara. "Dito ang magiging kwarto ni Cara," napatigil ako at napalingon sa kanya. "Ni Cara lang?" Ako na naguguluhan. "Yes, ang kwarto mo ay katabi ng kwarto ko." Nabigla ako nang itulak ako ni Cara. Napadikit ang balikat ko kay Dean at agad akong lumayo. "Salamat, Deangelo! See you later, Ember! Isuot mo ha!" Tila nagbabanta niyang sabi patungkol sa one piece. Umiling lang ako sa kanya pero tinawanan lang niya ako at sinaraduhan na kami ng pinto ni Dean. "Let's go.." bulong niya sa likuran ko. Napakagat-labi ako at agad nang sumunod sa kanya. Sa bandang dulo ng hallway kami nakarating. Ang huling pinto ang sa akin at katabi ng pinto niya ay ang magiging kwarto ko. "Will you be okay here?" Tanong niya nang huminto kami sa tapat ng pinto ng kwarto ko. Tumango ako sa kanya at ngumiti, "Thank you." Napatitig siya sakin at nabigla ako nang hawakan niya ang isa kong kamay. Hinaplos niya iyon at ngumisi sakin na ikinalabog ng dibdib ko. "I love seeing you smile. Kung ang maliit na bagay na ito ang magpapasaya sa 'yo ay palagi kong gagawin," seryoso niyang sabi bago lumapit sakin at bahagyang yumukod para magpantay ang mukha namin. "I really like you, Ember." Hindi ako sumagot sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Bago ang lahat sakin. Ang mga ganitong bagay ay hindi ko naranasan kay Jarred. Ni ang pakiramdam ko ngayon ay kakaiba at parang hindi normal. Ang akala ko ay aalis na siya nang umayos siya sa pagkakatayo, pero napapikit ako nang maramdaman ang magaang paghalik niya sa noo ko. Nang idilat ko ang mga mata ko ay papasok na siya sa kwarto niya. Huminga ako ng malalim habang sinasampal-sampal ang sarili sa harap ng salamin. Ember, umayos ka. Hindi kayo pwede. Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi pwede! Magagalit tiyak si Lola Mercedez. Sa totoo lang ay natatakot ako sa nararamdaman ko. Natatakot akong tuluyang mahulog sa kanya. Hindi ito pwede. Bawal kami. Ilang minuto ang itinagal ko sa harap ng salamin bago naligo at nag-ayos ng sarili. Naka-roba lamang ako nang lumabas sa comfort room. Lumapit ako sa kama at tiningnan isa-isa ang mga paper bag na nasa ibabaw niyon. Naghanap ako ng isang maong shorts at isang t-shirt. Kumuha na rin ako ng underwear at bra ko. Babalik sana ako sa comfort room para roon magbihis pero napatigil ako nang may kumatok. Baka si Cara at yayayain na akong bumaba. Lumapit ako sa pinto at tinanggal ang locked niyon bago buksan pero napatigil ako nang si Dean ang bumungad sakin. Nagwala na naman ang sisteman ko dahil sa presensya niya. "A-ano 'yon? Tanong ko sa kanya. Nakita kong gumapang ang mga mata niya sa kabuuan ko bago napalunok. Kumunot ang noo ko at nataranta nang maalala kong naka-roba lamang ako. Akmang isasara ko ang pinto nang mabilis siyang pumasok. Napaatras ako at napatalon sa gulat nang isara niya iyon ng may kalakasan at ini-locked. Napakapit ako sa suot kong roba at halos kapusin ng hangin dahil sa kaba. "A-anong ginagawa mo, Dean?" Kinakabahan kong tanong sa kanya dahil pakiramdam ko ay nag-iba siya ngayon. "f**k!" Malutong niyang mura bago hiklatin ang braso ko at halos lumipad ako pabagsak sa matigas niyang didbib. Puno ako ng takot nang tumingala sa kanya dahil sa tangkad niya. Nang magsalubong ang mga mata namin ay lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at tila nagsisisi. Mabilis niya akong niyakap at hinalikan ng ilang ulit ang noo ko. "I.. I'm sorry, I'm sorry baby. Did I scare you? I'm sorry..." Napapikit ako sa bawat dampi ng labi niya sa noo ko bago ako inilayo ng bahagya sa kanya. "Next time, don't wear something like this lalo na kung magbubukas ka ng pinto. Paano kung hindi ako ang nasa labas?" Malamig niyang sabi. "A-akala ko kasi s-si Cara..." Napahinga siya ng malalim bago ako yakapin ulit. Nanatili akong tuod habang yakap niya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Binitawan niya ako ulit at tiningnan, mata sa mata. "Ayokong makita ng iba ang dapat sa akin lang, Ember. Makakapatay ako," walang emosyon niyang sabi. Tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya at akmang itutulak siya palayo sakin pero hindi na ako nakakilos. Wala akong nagawa kung hindi ang magulat at manlaki ang mga mata. He kissed me! Dean is kissing me right now! Damn, Ember! This is wrong! Do something! Sigaw ko sa isipan ko. Pero natatalo ng katawan ko ang isipan kong umaayaw. Ang isang palad ni Dean na humahaplos sa likuran ko ay tila nagugustuhan ng katawan ko. Ang bawat halik niya sa labi ko ay may kakaibang hatid sa katawan ko na nagugustuhan nito. Napapikit ako at akmang sasagutin ang halik niya nang may kumatok sa pinto. Tuluyan ko siyang naitulak palayo sakin. Parehas kaming naghahabol ng hangin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya pero siya ay ramdam ko ang titig sakin. "Ember, tapos kana ba? Tara na sa baba!" Sigaw ni Cara sa labas ng kwarto. Lalayo sana akong muli kay Dean pero mabilis siyang lumapit sakin. Hinapit niya ang beywang ko ay idinikit ako sa katawan niya. Ang matangos niyang ilong ay humahaplos sa gilid ng sentido ko habang yakap ako. "Remember this, Ember.. you are mine. Sa akin lang. Walang kahit sino ang makakapigil sakin na angkinin ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD