Ember's POV
Mabilis akong lumayo sa kanya nang makarinig ako ng mga yabag papunta sa amin. Nag-iwas ako ng tingin kay Dean nang kumunot ang noo niya sa ginawa ko.
"Angelo!" Napalingon ako kay Miss Venna na palapit sa amin.
Ni hindi siya tinapunan ng tingin ni Dean. Nasa akin ang mga mata niya kaya't mas lalo kong iniwas ang paningin ko sa kanya.
"Nandyan na sila Tito at Tita, halika na." Nakangiti nitong sabi. Napayuko ako nang mapatingin siya sakin.
Naalala ko ang sinabi ni Cara. Kababata ni Miss Venna ang may-ari ng school na 'to which is Dean.
"You can go now, Miss Nobleza." Malamig niyang utos sakin.
"Why are you here, Venna?" Napabaling ang tingin niya kay Dean na hanggang ngayon ay nakatitig sakin.
"Mag-uumpisa na ang program at pinapahanap ka nila Tito." Malambing na sagot ni Miss Venna bago kinuha ang braso ni Dean at hawakan iyon.
Napakagat-labi ako bago nag-iwas ng tingin.
Lumakad na ako palayo sa kanila at hindi na sila nilingon. Hindi ko alam, bakit parang may kirot sa dibdib ko?
Napailing ako at huminga ng malalim. Pakiramdam ko talaga ay may mali na sakin.
Dumiretso ako sa classroom namin. Pagpasok ko ay naghahanda na ang mga kaklase ko sa paglabas. Maski si Cara ay isinusukbit na ang bag niya.
Nang makita niya ako ay nagmadali siyang lumapit sakin. May nga naitulak pa siya na kaklase namin at iritableng inirapan si Cara. Pero si Cara ay si Cara, walang pakialam 'yan malamang.
Excited siyang lumapit sakin at hinila ako palabas ng classroom. May nabunggo ulit kami sa pagkataranta niya at ako nalang ang humingi ng sorry.
"Cara naman, dahan-dahan lang. Kanina ka pa may nababangga oh." Inis kong sabi sa kanya nang huminto kami sa tabi ng corridor.
"Tsk!" Irap niya sa mga kaklase namin bago ngumiti ng malawak sakin. Napailing nalang ako sa attitude niya. "Ano, ano na ang nangyari? Magkwento kana dali!"
"Ibinalik ng may-ari ng school ang scholarships ko at natanggal yung parents ni Jarred sa trabaho nila."
Napanganga siya sa narinig. Ako man ay hindi makapaniwala na kayang gawin iyon ni Dean. Sabagay, hindi na nakakagulat na kaya niyang gawin iyon lalo na at siya pala ang may-ari ng school na ito.
"Edi ibig sabihin, nakaharap mo na yung may-ari ng school na ito?" Hindi makapaniwala niyang bulalas.
Tumango ako sa kanya ng marahan. Niyugyog niya ang braso ko dahil sa tuwa at excited. Napairap ako.
"Ano, gwapo ba?! Ang usap-usapan ay bata pa raw 'yon at single! Baka pwede kami?" Natatawa niyang sabi.
Napalunok ako sa narinig. Ang isiping si Dean at ang bestfriend ko ay iba ang hatid sakin.
"Si Dean ang may-ari ng school, Cara."
Tuluyang nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Nabitawan niya ang braso ko habang tinitingnan ako na para akong isang malaking joke sa harapan niya.
"You're kidding, right?"
"Hindi ako nagbibiro, Cara. Ano ka ba? Bakit naman ako magbibiro?"
"What the hell?!" Hinampas niya ang braso ko at mas niyugyog ako ng malakas. Naiirita kong tinanggal ang pagkakahawak niya sakin. "Ang swerte mo girl! Ang swerte-swerte mo! Kaya pala kahapon malakas ang loob na sabihing siya na ang bahala sa lahat, ayun naman pala ay siya ang may-ari nitong school!"
"Tumigil ka nga, Cara! Baka may makarinig sa 'yo." Sita ko sa kanya.
"Oh edi may makarinig! Hayaan mo silang mainggit!" Mas nilakasan niya ang boses niya kaya napatingin sa amin ang ibang istudyante.
Napayuko ako at hinila na palayo si Cara. Ang sarap busalan ng basahan ang bunganga niya, promise.
Nang makarating kami sa comfort room ay nagtitili na siya.
"Ibig sabihin niyan, gusto ka ni Dean! Hindi niya gagawin ang mga bagay na 'yon para sa 'yo kung wala ka lang sa kanya! O-M-G ka talaga girl! Sana all may Dean!" Bungisngis niya habang nasa harap kami ng salamin.
Kinurot ko ang tagiliran niya kaya't napa-aww siya at tumawa.
"Tumigil ka dyan, Cara. Wala lang 'yon, baka naawa lang sakin si Dean kaya niya ginawa 'yon."
"Anong naawa?! Huwag ka ngang nega dyan girl! Huwag ka rin magbulag-bulagan dyan! May gusto sa 'yo si Dean! Pustahan?" Nakataas ang isa niyang kilay sakin na tila naghahamon.
Pinisikan ko siya ng tubig na galing sa gripo. Natawa ako.
"Ayan, tumigil kana at baka may makarinig sa 'yo."
Umirap lang siya at hinawi ang mahabang buhok bago nag-ayos sa harap ng salamin.
"Buti nga kila Jarred at sa parents niya. Hah! Akala nila laging sila ang nasa taas huh? Asa sila! Buti nalang talaga at may Dean ka." Ngumisi siya sakin pero umiling lang ako at napangiti na rin.
Natahimik kami at nagkatinginan nang may mag-flush sa isang cubicle. Bumukas ang pinto at halos mawalan ako ng kulay sa mukha nang lumabas mula doon si Miss Venna. Maski si Cara ay natahimik.
Sopistikada siyang lumakad palapit sa salamin. Inayos ng konti ang buhok niya bago humarap sa amin ni Cara.
Ngumiti siya ng matamis sakin at hindi tinapunan ng tingin si Cara.
"Miss Nobleza and Miss Peñaflor, hindi ito ang oras ng pag-tsismisan dito sa comfort room. Ang mga kamag-aral ninyo ay nasa gym na."
Napayuko ako at hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya sakin. May galit, o kung anuman ang nakapaloob doon.
"At huwag kayong masyadong ilusyunada na magkaka-gusto si Angelo sa 'yo Miss Nobleza. Tingnan mong mabuti ang pagkakaiba ng estado n'yo sa buhay." Maanghang niyang sabi.
Maski si Cara ay nagulat sa narinig.
"Wala naman pong problema kay Dean kung ano ang estado ni Ember, Ma'am." Nakangiting sagot ni Cara na ikina-nganga ko sa gulat.
Kita ko rin ang gulat ni Miss Venna pero pinanatili niya ang matamis niyang ngiti sa akin.
"W-wala naman po kaming relasyon o kung ano pa man ni D-Dean, Ma'am. Huwag po kayong mag-alala." Agap kong sabi.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabila kong balikat at mas ngumiti sakin ng matamis.
"Mabuti naman." Sabi niya bago pinagpag ang magkabila kong balikat gamit ang mga kamay niyang nakahawak doon. "Sumunod na kayo sakin at ilang minuto nalang ay mag-uumpisa na ang program."
Nang makalagpas siya sa amin ni Cara ay nakahinga ako ng maluwag.
"Bakit hindi ka sumagot? Usap-usapan na kababata lang 'yon ni Dean mo pero feeling ko naman ay wala silang relasyon para umakto siya ng ganyan! Feeling asawa kung makabakod pwe!"
"Hayaan mo na. Tara na." Pagpapakalma ko sa kanya.
"Nasaan ba yang si Dean? Nang matanong kung asawa niya ang teacher nating laging may regla kapag ikaw ang kaharap!"
"Cara..." Banta ko sa kanya pero umismid lang siya sakin at hinila na ako palabas ng classroom namin.
Dumiretso kami sa gym kung saan naroon na halos lahat ng kamag-aral namin. Hinanap namin kung nasaan ang pwesto ng section namin at nasa banda iyong hulihan. Napatigil ako nang ang katabi ng section namin ay ang section nila Jarred.
"Oh bakit ka tumigil?" Tanong ni Cara sakin. Napatingin din siya sa tinitingnan ko bago umirap. "Hayaan mo yang mga 'yan. Halika na!" Nagpahila nalang ako sa kanya at pumila kami sa kung saan nakapila section namin.
Ramdam ko agad ang mga mata sakin ni Jarred. Hindi ko alam kung bakit lagi na akong nakakaramdam ng takot sa tuwing nasa paligid ko siya.
"Ember, sorry na raw sabi ni Jarred!" Sigaw ng isa sa mga tropa niya. Narinig ko ang tawanan ng iba pero hindi ko sila nilingon.
Si Cara ang tumingin sa kanila ng masama bago irapan.
"Huwag mong pansinin. Nakulangan sa aruga ng mga magulang 'yan." Ismid niyang sambit.
Pero napayakap ako kay Cara nang may tumulak sakin. Nang lingunin ko ay si Jarred ang sumalubong sakin. Tinutulak ng mga tropa niya.
"Pansinin mo na si Jarred, nagso-sorry na yung tao oh!" Sabi ng isa na sinang-ayunan naman ng iba.
Naagaw na namin ang atensyon ng ibang istudyante. Ang iba ay nanunukso na sa amin.
Napayuko ako at umayos ng tayo sa tabi ni Cara.
"Hindi siya tumatanggap ng sorry. Tigilan n'yo kaibigan ko!" Mataray na sabi ni Cara sa kanila.
Napa-whoa ang iba pero itinulak pa rin nila sakin si Jarred dahilan para mas mapalapit siya sakin.
Nagsalubong ang mga mata namin.
Napahawak siya sa batok niya at tila nahihiya.
"S-sorry, Ember.."
"Sorry sorry! Nangyari na magso-sorry ka pa!" Parinig ni Cara. Tiningnan siya ni Jarred ng matalim. "Oh ano?!" Hinawakan ko na sa braso si Cara para tumigil na siya at baka patulan siya ni Jarred.
"Cara, please..." Sambit ko. Umirap lang siya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib niya habang tinitingnan ng masama si Jarred.
Huminga ako ng malalim at tiningnan si Jarred na nakatingin din sakin.
"Ayos na 'yon." Wika ko.
Magsasalita sana siya pero may bumunggo sa kanya dahilan para mapunta siya sa isang gilid.
Napanganga ako sa bilis ng nangyari. Maski ibang istudyante ay napasinghap sa nasaksihan.
Si Cara ay nagulat man ay nakabawi din agad bago tumawa ng malakas. Tinatawanan si Jarred.
"Naiwan mo 'tong libro mo sa sasakyan ko kahapon."
Namula ang mukha ko sa hiya lalo na nang mag-umpisa na ang mga bulungan. Sa lakas ng boses ni Dean ay siguradong narinig nila ang sinabi niya.
"Mr. Deangelo Mondego, please come here in stage." Pakinig kong sabi ni Miss Venna na nasa stage at hawak ang mic.
Hindi siya natinag. Mariin siyang tumitig sakin. Napayuko ako dahil hindi ko kaya ang klase ng paninitig siya. Parang nanlalambot ang mga tuhod ko.
Si Cara naman ay hindi pa yata tapos sa pagtawa niya. Habang si Jarred ay hindi ko na alam kung saan nagpunta.
"Susunduin kita mamaya pagkatapos ng klase mo."