Ember's POV
Kinabukasan ay wala pa rin ako sa sarili ko. Simula kahapon nang makauwi ako ay lagi na akong natutulala. Sobrang laki ng epekto ng ginawang paghalik ni Dean sakin sa noo. Hindi din matanggal sa isip ko ang pag-amin niyang gusto niya ako.
Inis na napailing ako habang naglalakad papasok sa school. Ngayon lang ako nagkaganito. Ni kay Jarred na dati kong manliligaw ay hindi ko naramdaman na nagulo ang sistema ko, kay Dean lang. Kakaiba at hindi ko maintindihan.
"Ember!" Napatingin ako kay Cara na tumatakbo papalapit sakin. "Alam mo na ba ang balita?"
Umiling ako sa kanya. Wala rin naman akong pakialam kung anuman ang bagong balita ngayon. Siya lang naman ang mahilig sa mga tsismis dito sa school.
"Pumasok na si Jarred," nagkibit-balikat ako dahil tulad ng sabi ko wala akong pakialam. Lalong-lalo na kung tungkol kay Jarred ang balita. "At ngayon daw ang dating ng may-ari ng school na 'to." Excited niyang sabi.
Muli akong nagkibit-balikat. Wala ako sa mood sa mga balita ngayon. Iba ang nasa isip ko. Si Dean. Ang lalaking gumugulo mula pa kagabi sa isipan ko.
Binunggo niya ako sa balikat nang hindi ako kumibo sa mga binalita niya.
"Ang tahimik mo yata? Wala ka man lang reaction sa mga sinabi ko. Ni hindi mo ba susugurin si Jarred sa ginawa niya? Sasamahan kita." Seryoso niyang sabi na ikina-tingin ko sa kanya.
Umiling ako sa kanya at ibinalik ang mga mata sa dinaraanan namin, "Huwag na. Panibagong gulo lang ang mangyayari. Isa pa, ayoko na mapalapit sa kanya matapos ng ginawa niya sakin."
"Hindi ka naman lumalapit sa kanya diba? Siya itong lapit ng lapit sa 'yo tulad ngayon..."
Grupo nga nila Jarred ang makakasalubong namin. Hinila ko si Cara sa isang gilid para makalagpas sila pero huminto si Jarred ganoon din ang mga kasama niya.
Nakakatakot ang ngisi niya nang lapitan ako. Hinila ako agad ni Cara at itinago sa likod niya.
"Ano na naman ang gagawin mo sa kaibigan ko Jarred?! Wala kang awa!" Galit na sita sa kanya ni Cara. Hinawakan ko ang braso niya para sabihing kumalma siya lalo na at nasa loob kami ng school.
"Kung sinagot mo ko, Ember, hindi mangyayari 'to." Malamig na sabi ni Jarred habang nakatitig sakin.
"Aba't gagong 'to!" Si Cara. Hindi siya pinansin ni Jarred. "Tigilan mo na si Ember! Nagawa mo nang sirain ang reputasyon niya dito sa school, ano pang gusto mo sa kaibigan ko?!"
"Her. I want her." Ginapangan ng lamig ang buo kong katawan sa sinabi niya.
Iba ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya at hindi ko alam kung bakit ako kinakain ng takot.
"Hindi ka niya gusto! Duh!" Maarteng sambit ni Cara bago hinila ang braso ko. "Halika na nga! Huwag tayong lalapit sa tarantadong 'to at baka ibang kamalasan pa ang mapala mo lalo, Ember." Inirapan ni Cara isa-isa ang kasamahan ni Jarred.
Matatalim ang tingin nila kay Cara. Ang isa ay akmang lalapit kay Cara pero pinigilan ito ni Jarred.
"Makukuha rin kita, Ember." Si Jarred. Napalingon ako sa kanya at seryoso lang siyang nakatingin sakin.
Mas hinila ako ni Cara at naglakad na kami palayo sa grupo nila.
"Nakakakulo ng dugo ang grupo ni Jarred my god! Akala mo mga jejemon sa kanto! Mga kadiri!" Talak ni Cara nang makapasok kami sa classroom namin.
Si Dean lang ang nagpapagulo kanina ng isip ko, ngayon ay pati si Jarred. Pero takot ang nakakapa kong emosyon sa dibdib ko para kay Jarred. Parang may kakaiba sa kanya ngayon. Kakaiba na hindi ko mapunto.
"Cara, tigil na. Baka may makarinig sa 'yo sa mga pinagsasabi mo dyan kila Jarred." Paalala ko sa kanya.
Umirap lang siya sa mga kaklase namin na nakatingin sa amin ang ilan.
"Pakialam ko sa mga tsismosang 'to! Totoo naman ang mga sinabi ko!" Naiirita niyang sambit.
Huminga ako ng malalim at hindi nalang kumibo para hindi na humaba ang usapan pa. Naupo kami sa mga table namin habang hinihintay si Miss Venna.
Hindi ko alam kung ano nangyari at kung bakit napaaga ang dating ng may-ari ng school na 'to. Next week pa ang alam ng lahat kaya ngayong week palang naghahanda. Pero paano ngayon makakapaghanda kung mamaya na ang dating nung may-ari?
Nang dumating si Miss Venna ay natahimik ang lahat. Hinihintay namin kung ano ang balak nila.
"Miss Nobleza, come to my office now. Lahat ng maiiwan ay maghanda para sa pagdating ni Mr. Mondego."
Nagtanguan ang lahat habang ako ay nagtataka kung bakit pinapupunta na naman niya ako sa opisina niya.
Tumayo nalang ako mula sa pagkakaupo at isinukbit ang bag pack ko.
"Huy! Balitaan mo ko ha!" Bulong ni Cara na ikinatango ko sa kanya. Tsismosa talaga.
Sumunod ako kay Miss Venna na umuna nang lumakad. Bumaba kami sa hadanan dahil nasa second floor ang opisina niya.
"Hintayin mo ang signal ko kapag papasok kana. Hintayin mo din si Jarred at ipinatawag ko na. Dyan na muna kayo sa pinto." Tumango lang ako sa kanya at pumasok na siya sa loob.
Ilang minuto lang ay dumating nga si Jarred. Nag-iwas ako agad sa kanya ng tingin at bahagyang lumayo.
"Why are you here?" Tanong niya pero hindi ko siya kinibo. Nanatiling nakaiwas ang mga mata ko sa kanya. "Ember..."
Tumingin ako sa kanya pero lumagpas agad ang mga mata ko sa kanya. Ang mga magulang niya ay kadarating lang. Nakataas agad ang isang kilay ng Ina niya sakin.
Ano na namang ginagawa namin dito sa opisina? Nakapag-usap na kami at ipinatanggal nga nila ang scholarships ko. Baka naman i-request pa nila na i-expell ako?
Kinakain na naman ng takot at kaba ang dibdib ko sa mangyayari.
Bumukas ang pinto ng opisina ni Miss Venna at iminwestra na pumasok na kami.
Isang lalaki ang nakaupo sa upuan mismo ni Miss Venna. Nakatagilid ito at halos nakaharap na sa bintanang sarado, tila nag-iisip.
"Maupo po kayo, Mr. and Mrs. Fernando. Ikaw din Miss Nobleza." Wika ni Miss Vena.
Sa mga dating upuan kami naupo. Habang si Jarred ay nakatayo lang sa isang gilid.
Pakiramdam ko ay bumalik ako sa araw na tinanggalan ako ng scholarships. Sumisikip ang dibdib ko.
"A-ano pong mayroon, Miss Venna?" Tanong ko nang hindi na ako makatiis.
"Ipinatawag kayo dito dahil gusto kayong makausap nang may-ari ng school na 'to." Sabi niya habang palipat-lipat ang mga mata sa aming lahat.
Bumukas ang pinto at isang lalaki ang pumasok doon. Kunot ang noo ni Miss Venna sa lalaki.
"Where's Ember?" Nakatawa nitong sabi habang nilalaro ang isang envelope sa kamay niya.
"A-ako po, sino po kayo?" Tumingin siya sakin at mas lumawak ang ngisi.
Inilahad niya ang isang kamay niya sakin na kinuha ko naman.
"Ako nga pala si Gustavo Mondego," binitawan niya ang kamay ko at tumingin sa mag-asawa na ngayon ay nagtataka rin sa lalaki. Dumiretso ang tingin niya kay Jarred na seryoso lamang sa isang tabi. Ang nakangiti niyang mukha kanina ay nawala. Isang matalim na titiga ang iginawad niya kay Jarred.
Lumapit siya sa mesa at nagtuloy sa gilid ng lalaking nakaupo sa swivel chair.
"Ito na ang hinihingi mo. Ang layo-layo pala nito! Sana isinama ko si Maria." Nanghihinayang nitong wika na hindi pinansin ng lalaking nasa swivel chair.
Gumalaw lamang ito pati ang upuan.
Unti-unting namilog ang mga mata ko nang humarap siya sa aming lahat. Habang siya ay seryoso at madilim ang mga mata niya.
"Kumusta, Mr. Fernando?" Malamig nitong tanong.
Hindi ako maka-react sa nakikita ko. Ibig sabihin, si Dean ang may-ari ng school na 'to?!
"Deangelo, labas na ko. Tatawagan ko lang si Maria."
Matalim na tiningnan ni Dean ang lalaking nangungulit. Ngumisi lang ito at lumabas na ng opisina.
Bago pa kami maka-react ay inihagis ni Dean ang envelope sa mag-asawa. Tumayo siya at malamig na tiningnan ang mag-asawang nagugulat ngayon. Maski ako ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.
"You're both fired! Wala akong pakialam kung isa kayo sa malaki ang share sa paaralan na ito! Sino kayo para magpatanggal ng scholarships ng isang istudyante?!" Napapikit ako sa malakas niyang pag-sigaw. Ang mag-asawa, ako, at si Miss Venna ay nakatulala lamang kay Dean. "Hindi n'yo ba alam na ako ang sumapak sa lampa n'yong anak?! Binabastos niya si Miss Nobleza at tama lang ang ginawa kong pagsapak sa kanya dahil mukhang ngayon ay naalog na ang utak niya." Ngumisi siya sa mag-asawa. Ang Ina ni Jarred ay tila aatakihin sa nangyayari.
Si Jarred na kanina lang ay tahimik, ngayon ay matatalim na ang mga mata kay Dean.
"And you!" Baling niya kay Miss Venna na kinakabahan. "I want her scholarships back. Now!" Mabilis itong tumango ng ilang beses.
"And you," turo niya sakin. Napalunok ako at napakurap sa kanya. "Come with me."
Bago pa ako makapagsalita ay hila-hila na niya ang braso ko palabas ng opisina.
"Teka nga! Saan mo ba ako dadalhin?!" Hinihingal kong tanong nang mapahinto kami dito sa parking lot.
Ang ilang istudyante ay naaagaw namin ang atensyon at hindi ko alam ang gagawin. Siguradong issue na naman ito.
"Kakain."
"Dean, hindi ko alam na ikaw ang may-ari ng school. Sana sinabi mo agad sakin at hindi mo na ginawa 'yon. Huwag mong tanggalin ang mga magulang ni Jarred, nakita mo ba ang itsura nila kanina? Nakakaawa!"
"Wala akong pakialam. Naawa ba sila sa 'yo nang tanggalan ka nila ng scholar? Intindihin mo ang sarili mo, huwag ang ibang tao, Ember!" Inis niyang sabi sakin.
"Pero sana hindi mo na ginawa 'yon! Ano nalang ang iisipin nila sakin?!"
Tiningnan niya ako ng seryoso bago ikulong ang maliit kong mukha sa malalaki niyang palad.
Hindi ko makilala ang sarili ko kung bakit para akong nahihipnotismo sa mariin niyang titig sakin.
"Simula ngayon, ikaw at ako lang ang iisipin mo, Ember."