Chapter 21 9am... Nakaupo sa back seat ng kotse ni Terence si Yumi habang nakaupo naman sa front seat ang ate Fiona niya. They were heading to the hospital. Pumayag ang ate Fiona niya sa request ni Terence na magpa-DNA testing. Noon pa man ay napag-usapan na talaga ng dalawa ang bagay na iyon at napagkasunduan na ng mga ito ang pagpapa-DNA test bago ikasal ang mga ito. Napaaga lamang ang pagpapa-test dahil sa kagustuhan ni Terence malaman agad kung ito nga ba ang ama ng ipinagbubuntis ng ate Fiona niya Mabuti nalang at kusang nagpasama sakanya ang ate Fiona niya kaya heto siya sa loob ng kotse ni Terence kasama ang mga ito patungo sa hospital Ang buong akala ng parents nila ay magpapa-check up lamang ang ate Fiona niya. Walang kamalay-malay ang mga ito na magpapa-DNA test ang ate F