Chapter 20 "Saan ka galing?" Kunot nuong tanong ng mommy ni Yumi pagkapasok palang niya sa kanilang bahay Nag-aakusa ang tingin na pinupukol sakanya ng kanyang ina. Napansin kasi nito na bago at mamahalin ang damit ang suot suot niya. Hindi rin siya nakapag-paalam sa mga ito na makikitulog siya sa ibang bahay. Sa sobrang enjoy niyang makasama si Terence buong araw kahapon ay nakalimutan na niyang may pamilya siyang mag-aalala sakanya Nasanay kasi siya sa boracay noon, Sa tuwing kasama niya ang binata ay para bang nasa ibang mundo siya Sa mundo kung saan sila lamang dalawa. Nais niya tuloy batukan ang kanyang sarili ng makalimutan niyang magtext o tumawag man lang sa kanyang ate Fiona o sa kanyang magulang. "S-Sa dating classmate ko po ma. Nagkatuwaan kami kagabi kaya nalasing na p