Chapter 3
"Yoshi! Bakit mo ba ako sinundan dito? Baka isipin pa nila mommy at daddy nobyo na kita sa Japan eh?"
Dinala niya si Yoshi patungo sa likod ng kanilang bahay. Nang dumating kasi siya sa bahay nila ay naroon na ito habang kakwentuhan ang Daddy niya. Dalawang araw na daw itong nakikitulog sa kanilang bahay dahil hinihintay nito ang pagbalik niya. Pagkatapos nilang maghapunan ng kanyang daddy ay hinila na niya si Yoshi upang kausapin ito.
Magaan ang loob ng mommy at daddy niya kay Yoshi dahil nakilala na ng mga ito ang binata noon pa man. O mas mabuting sabihin na ito mismo ang nagpakilala sa sarili nito sa kanyang mga magulang at ate Fiona noon kahit sa video call lamang
"Moshi anata no okāsan to otōsan ga anata ga kyūka de doko ni iku no ka oshiete kuretara, watashi wa anata ni tsuite ittanoni. Karera wa sōshita kunai nodesu" Sagot ni Yoshi sakanya
Napakunot lalo ang nuo niya. Naiintindihan niya ito dahil marunong naman siyang magsalita ng ganoon ngunit naiinis siya dahil pagod na nga siya ay papaandaran pa siya nito ng nihongo. Lalo tuloy sumasakit ang ulo niya.
"Magsalita ka ng tagalog dahil nasa Pilipinas ka Yoshi. Nagsasayang ka lang ng pera mo niyan eh. Tignan mo gumastos ka pa tuloy pauwi rito sa Philippines?"
"Susundan nga sana kita kung sinabi lang sakin ng mommy at daddy mo kung saan ka nagbakasyon eh. Kaso ayaw nila sabihin kung nasaan ka" Ulit nito sa sinabi nito sa nihongo kanina ngunit ngayon ay tagalog na. Bahagya pa itong napalabi.
Marunong itong magsalita ng tagalog dahil pinay ang nanay nito at hapones naman ang ama
Aaminin niyang gwapo naman si Yoshi lalo na kapag nakangiti. Mabait rin ito kaya nga ayaw niyang sayangin ang oras nito sa paghihintay kanya. Tatlong taon na kasi itong nanliligaw sakanya at paulit ulit lang niya itong bina-busted.
Sadyang makulit lang talaga ito.
Marami namang haponesang nagkakagusto rito dahil gwapo na, mayaman pa. Ngunit hindi lang talaga niya kayang turuan ang puso niya
"Yoshi naman--"
"Namiss kita Yumi. Nagtatampo nga ako sayo dahil hindi mo ako sinabihan na uuwi ka pala ng Pilipinas. Pero masaya na ako ngayon dahil nandito kana" Hinawakan ni Yoshi ang kanyang kamay. Agad naman niyang binawi ang kamay niya. Nakita niyang saglit itong napalunok at mayroong nagdaang kirot sa mga mata nito na tinakpan lang nito sa pamamagitan ng pag ngiti ng kaunti
Nasaktan nanaman niya ito.
"Yoshi diba sabi ko itigil mo na ang panliligaw sakin? Hindi ka ba napapagod? Kasi ako pagod na. Ayoko ng saktan ka ng paulit ulit eh. Nasasaktan rin ako sa tuwing pinagtatabuyan kita. Ayoko naman sana gawin iyon saiyo pero palagi mo nalang ako binibigyan ng rason para ipagtabuyan ka. Ayokong paasahin ka Yoshi.."
Nakokonsensya rin kasi siya dahil napakabait nito sakanya. Hindi niya mapigilan maluha sa mga sandaling iyon
Bakit nga ba hindi nalang ito ang nagustuhan niya? Bakit ba mas pinili niyang magustuhan ang strangherong lalakeng nakilala niya sa boracay?
Bakit bumigay agad siya sa lalakeng iyon?
Samantalang heto si Yoshi sakanyang harapan at naghihintay lamang na sagutin niya
"Yumi.."
"Yoshi bakit ang tanga tanga ko?" Nagsimula na siyang mapahikbi. Sa pitong araw kasi na nakasama niya si Rence ay tila nahulog agad ang loob niya sa binata. Pitong araw lamang iyon ngunit para sakanya ay pitong taon na!
Miss na miss na agad niya ang kanyang boyfriend. Oo boyfriend na niya si Rence at ito pa nga mismo ang nagsabi sakanya na nobya na siya nito! Ngunit nasaan na ito ngayon? Bakit bigla nalang itong nawala?
Bakit hindi man lang ito nagpaalam sakanya?
Agad siyang niyakap ni Yoshi ng mapansin nitong kakaiba na ang kanyang pag-hikbi. Lalo tuloy siyang napaiyak sa dibdib ni Yoshi habang hinahaplos nito ang likod niya
"Yumi..May problema ka ba? Anong nangyari sayo sa bakasyon mo? Bakit ka umiiyak ng ganyan?" Nag-aalalang tanong ni Yoshi sakanya
Hindi siya sumagot bagkus ay napa-iyak nalang siya habang yakap siya nito.
Kanina pa siya nanghihina. Ngayon lamang niya naramdaman ang ganito. Hindi niya alam kung saang sulok ng Pilipinas niya hahanapin ang lalakeng nakakuha ng p********e niya.
"Shhh stop crying Yumi.. Ano bang nangyari sayo? Bakit ka nagkakaganyan?"
Lalo siyang nalungkot ng maramdaman niya ang tunay na pag-aalala sa tono ng boses ni Yoshi. Narealize niyang napakatanga niya.
"Bakit hindi nalang ikaw ang nagustuhan ko? Bakit Yoshi? Bakit hangang ngayon hindi ko magawang magustuhan ka?"
"M-May nagugustuhan ka ng iba?"
Ang kaninang pag-aalala sa boses nito ay napalitan ng hinanakit at tila pagkabigla.
Hindi niya sinagot ang tanong nito
"Please Yoshi. Umuwi kana sa Japan. Sasayangin mo lang ang oras mo sa akin" Kumalas siya sa pagyakap sa binata bago siya tumakbo papasok sa loob ng kanilang bahay
Dumiretso agad siya sa kanyang kwarto. Samantalang naiwan namang nakatayo si Yoshi at napayuko nalang
Wala paring pagbabago ang kanilang bahay. Hindi naman sila mayaman, ngunit hindi rin naman sila mahirap. Mayroong maliit na negosyo ang pamilya nila. Isang pet shop. Mahilig kasi sa mga aso at pusa ang kanyang parents kaya pet shop ang naisip ng kanyang mga magulang na gawing business. Katabi lamang ng kanilang bahay ang petshop nila. Iyon ang bumubuhay sakanila mula pa noon.
Napahagulgol si Yumi sa kanyang kama. Nalulungkot kasi siya sa kinahitnan ng relasyon nilang dalawa ni Rence.
Makikita pa kaya niya ang lalake? Namimiss rin ba siya nito?
TERENCE POV
"Nag-check out na po siya Sir."
"Shit." Mahina siyang napamura sabay sa paghagod ng kanyang magulong buhok
Wala siyang gustong sisihin kundi ang sarili niyang katangahan.
He met a girl in boracay.
His girl..
Alam niyang ikakasal na siya at magiging daddy na siya sa susunod na buwan. Ngunit hindi niya napigilan ma-attract sa babaeng nakilala niya sa boracay.
Wala naman sana siyang plano mangbabae but he just can't resist her charm.
Unang kita niya palang sa babae ay nakuha na agad nito ang atensyon niya.
Nais niyang sapakin ang sarili niya dahil nakalimutan niyang tanungin kung anong surname nito! Nakalimutan niya rin ibigay ang cellphone number niya bago siya umalis ng hotel room nila kahapon. Nataranta kasi siya ng tumawag sakanya ang mommy ni Fiona
Ang babaeng pakakasalan niya. Nagdadalang tao ito at siya ang tinuturo nitong ama ng magiging anak nito.
Bilang isang mabuting lalake ay hindi niya hahayaan na ipagbuntis nito ang kanilang anak na walang kinikilalang ama
Besides, his father will be dissapointed to him if he will not take his responsibility. Kahit pa nga hindi niya naman nobya si Fiona at hindi niya maalala ang gabing pinagsaluhan nila.
One morning he woke up naked beside Fiona. Hindi niya matandaan kung nagalaw niya ba ang babaeng nakilala lamang niya sa bar na pagmamay-ari ng kanyang pinsan na si Zacary Hoffman
Akala niya ay isang simpleng one night stand lang ang nangyari sakanya. But weeks later, pinuntahan siya ni Fiona habang umiiyak ito. Sinabi nito sakanya na buntis raw ito.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito at wala siyang magawa kundi panagutan ang dinadala nito.
Tila napikot siya. Pero ayaw naman niyang bigyan ng problema ang babaeng iyon. Lalo na't baka totoo nga ang sinasabi nitong siya ang ama ng anak nito.
His father Noah Hoffman always remind him,"Kapag nakabuntis kayo papanagutan niyo. Huwag niyong hahayaan lumaki ang mga anak niyo na walang kumpletong pamilya. Iyan sana ang tandaan niyo anak"
Halos palagi silang sinesermonan ng kanilang ama. Kaya naman todo pag-iingat sila ng kanyang kapatid na makabuntis.
But hell, malas siguro siya dahil nakabuntis siya ng babaeng hindi naman niya nobya at hindi naman niya mahal.
Pero dahil pinalaki silang mabuting tao ng kanyang mga magulang ay hinarap niya ang responsibilidad. Pakakasalan niya si Fiona upang iligtas rin sa kahihiyan ang babae.
"Pero Sir, nag-iwan po ng cellphone number si ma'am. Baka sakali raw po kasi na tumawag kayo."
Parang tumalon ang puso niya ng marinig ang sinabi ng receptionist ng hotel!
Damn! Good girl! - Napangisi agad siya dahil may paraan parin pala para makita niyang muli si Yumi.
"Really? Thanks!" Hindi niya maitago sa kanyang boses ang saya na kanyang nararamdaman
Nagmadali kasi siyang umuwi ng Manila dahil labis ang pag-aalala niya kay Fiona o mas mabuting sabihin na labis ang pag-aalala niya sa magiging anak niya.
Nakalimutan niya tuloy gisingin si Yumi at parang blangko't palutang lutang ang kanyang isip hangang sa nakarating siya sa Manila.
Masaya siya dahil hindi naman napahamak ang baby nila. Dinugo lamang ng kaunti si Fiona at normal daw iyon sa ilang mga buntis.
Kakauwi niya lang sakanyang condo unit ng maisipan niyang tawagan ang hotel sa boracay upang tanungin kung naroon pa si Yumi. Balak sana niyang bumalik doon.
Nakauwi na si Fiona sa bahay ng mga ito. Ihahatid niya sana ito ngunit ang daddy na nito ang nagpresinta na magdadrive para sa anak nito. Sinabihan siya ng daddy ni Fiona na magpahinga na daw muna siya. Natuwa naman siya dahil gustong gusto na niyang umuwi sa condo unit niya upang tawagan ang hotel sa boracay
He miss his baby girl. Isang araw palang niya itong hindi nakikita ay parang nababaliw na siya.
Seven days silang magkasama ni Yumi. Aaminin niyang enjoy na enjoy siya. Tigas na tigas nga siya palagi kahit tanghaling tapat sa tuwing kasama niya ito sa iisang kwarto lamang.
Nakuha nito ang lahat ng natitipuhan niya sa isang babae. Iyon bang maganda na cute pa? Malambing na masarap pa?
Bonus pa ang malambot at malusog nitong dibdib na paborito niyang susuhin.
Yeah maybe he's attracted to her physically.
Damn
But he also enjoy her sweetness. Masarap itong kalambingan at parang gusto niya itong alagaan. Baby girl nga ang tawag niya sa dalaga at pansamantala niyang nakakalimutan ang problema niya kay Fiona
Hindi niya alam kung anong plano niya. Hindi siya sigurado kung tama o mali ba ang ginagawa niya. Basta't alam niyang napapasaya siya ni Yumi at hindi na muna niya iisipin pa ang sitwasyon niya.
Gusto lang muna niyang maging masaya.
Kahit ngayon lang bago man lang siya matali habang buhay sa babaeng hindi naman niya minamahal.
"Here's her number Sir," Idinikta nito ang numero ng cellphone ni Yumi. Mabilis ang pagsasalita nito kaya nataranta siya.
"Wait-wait. Hanap lang akong ballpen te" Nagmadali siyang maghanap ng ballpen sa mga drawers niya.
Masyado naman kasi nagmamadali ang babae. Mahina pa naman siya sa pagmemorya.
"Okay Sir"
"s**t. Where's that damn ballpen?" Natataranta siya habang naghahanap ng ballpen sa bawat drawers ng kanyang kwarto
Napapangiti naman ang babaeng receptionist sa kabilang linya dahil tila kinikilig ito.
"Here! I found one. Okay now you can tell me what's her cell number?" Hiningal siya sa paghahanap ng ballpen at kahit nga todo ang temperature ng airconditioner sa loob ng kwarto niya ay nagkaroon parin siya ng pawis sa kanyang nuo
Ibinigay naman agad nito ang numero ni Yumi.
"Sa susunod sir, huwag niyo po kakalimutan ibigay ang number niyo kay ma'am. Sobrang lungkot pa naman ni ma'am kahapon nung mag-check out siya namumugto pa ang mga mata niya. Akala ho siguro ni ma'am ay tinakbuhan niyo siya."
Napangiwi siya sa sinabi nito sa kabilang linya. Naimagine niya tuloy ang baby Yumi niya na umiiyak at parang gusto niya ulit suntukin ang sarili dahil doon
"Thanks. Bye" Iyon lang ang sinabi niya dahil nais na niyang tawagan si Yumi
Pagkababang pagkababa niya ng kanilang koneksyon ay agad niyang dinial ang numero ni Yumi na isinulat lamang niya sakanyang kaliwang palad.
Kumakabog ang puso niya habang hinihintay itong sagutin ang kanyang tawag.
"Baby answer me.. C'mmon" Sambit niya habang panay ang pagtunog lamang sa kabilang linya ang naririnig niya
Lalo tuloy siyang nasasabik.
"Hello?"
Nakagat niya ang ibabang labi niya ng marinig niya ang mala-anghel at malambing nitong boses sa kabilang linya
Namiss niya tuloy ang ungol nito!