Chapter 2
Hindi maiwasan ni Yumi alalahanin ang mga sandaling pinagsaluhan nilang dalawa ni Rence sa isla ng boracay.
Tila nakatatak pa sakanyang isip at puso ang bawat pangyayari
Lalo na ang unang beses niyang ipagkaloob ang kanyang sarili sa pinakagwapong lalakeng nakilala niya.
Flashback...
Nang matapos silang kumain ng lunch ay nagyaya si Rence na mag-ikot sila sa isla. Medyo nahihiya nga siya dahil sa naganap na paghahalikan nilang dalawa sa loob ng restaurant.
Pumayag naman siyang maglibot sila sa isla ng boracay dahil wala rin naman siyang gagawin. Balak niya lang sana magbilad sa araw dahil maputi na ang kanyang balat. Maganda kasi ang klima sa Japan kaya mas lalong pumuti ang balat niya.
Ngunit kung siya ang tatanungin ay mas gusto niya ang morenang kutis ng ate Fiona niya kaysa sa mala-gatas niyang kutis
Palibhasa ay maputi ang mommy niya kaya namana niya ang kutis nito
Habang naglalakad sila ni Rence ay nakahawak ito sakanyang kamay. Medyo mabilis rin itong mag-hokage moves ngunit hinahayaan naman niya ito dahil nagugustuhan niya iyon
Isipin man nitong cheap siya at madali mapapayag kung gusto nito. Basta siya ay nag-eenjoy lamang sa paglalambing nito sakanya.
Nais niyang magpakaligaya ngayong bakasyon niya, bonus nalang talaga na nakilala niya ito sa islang iyon
Ineenjoy niya lang ang pagkakataon na may ganito kagwapong nilalang ang nagbibigay atensyon sakanya
Pakiramdam niya tuloy ay siya ang pinakamagandang babae sa buong isla dahil hawak hawak niya ang kamay ng pinakagwapong lalake sa lugar na iyon
"Bakit pala mag-isa ka lang ngayon dito? Hindi ka ba sinamahan ng boyfriend mo?" Maya maya tanong ni Rence sakanya habang magkaholding hands silang naglalakad sa station 2 ng boracay island
Maraming mga tao ang nakakasalubong nila. Mga bakasyonista at mga foreigners ang mga ito. Halos karamihan sa mga tao doon ay nakasuot ng swim wear ang iba naman ay pang summer outfit na mga dresses at may malalaking sumbrero pa
Tirik na tirik ang araw ngunit mas nakadagdag iyon sa kagandahan ng isla. Mas masigla ang mga tao dahil sa magandang panahon
Halos ibat-ibang lahi rin ang nakikita niya. Maganda at maunlad na talaga ang tourismo sa Pilipinas dahil unti unti na nakikilala ng mga foreigners ang mga likas na yaman ng bansa. Konting renovations nalang ang kailangan upang masabing perpekto ang lugar na ito
Malinis rin ang paligid lalo na ang asul na asul na tubig ng dagat na sinasalubong ng kulay puting buhangin. A beautiful white sand. Masarap sa pakiramdam lumakad sa puting buhangin na iyon dahil malamig iyon sa kanyang mga paa sa tuwing napapaapak ang paa niya doon kahit pa nakasuot siya ng tsenelas na goma
"W-Wala akong boyfriend" nahihiyang sagot niya. She want to curse dahil hindi naman siya mahiyain na babae
Napatango tango ito habang nakangiti. Napakagwapo talaga ng hokageng ubod ng gwapo na lalakeng ito kaya kahit papisil pisil pa ito sa kamay niya ay hinahayaan lamang niya. Nakakakiliti nga iyon at masarap sa pakiramdam.
"Yeah i remember, Ako nga pala yung boyfried mo diba sabi mo kanina doon sa lalakeng maliit?"
Ngumiti siya ng kiming ngiti. Nahihiya parin kasi siya sa pinagsaluhan nilang halik kanina. Tanghaling tapat pa naman!
"Ikaw bakit mag-isa ka lang? Hindi mo ba isinama ang girlfriend mo?" Balik tanong niya
Napansin niyang nawala ang kislap ng mga mata nito at saglit itong sumeryoso ng kaunti
"W-Wala rin akong girlfriend." Sabi nito na hindi makatingin sakanya
"Hindi nga? Sa gwapo mong yan impossible namang wala?"
Muli itong napatingin sakanya ngunit sa pagkakataon na iyon ay may pilyo ng ngiti ang naglalaro sa mga labi nito
Nanunukso rin ang tingin nitong ibinibigay sakanya
"I'm handsome?" mapanuksong tanong nito kaya napayuko siya at nag-iwas ng tingin kay Rence
"I mean sa panahon ngayon ang mga katulad mong may itsurang nilalang ay panigurado kaliwat-kanan ang nobya"
Napatawa ito sa sinabi niya
"May itsurang nilalang? Ang lalim naman non?"
Napailing nalang siya habang natatawa na rin. Mukhang nag-click ang mga humors nilang dalawa dahil nagegets agad niya ang biro nito
"Totoo naman. Impossibleng wala kang jowa no"
Napasinghap siya ng bitawan nito ang kanyang kamay upang akbayan siya
"Wala talaga. Kung meron akong girlfriend hindi ako makikipaghalikan sayo kanina." Malanding bulong ni Rence sakanya na ikinataas yata ng kanyang mga balahibo
Ang sarap kasing pakingan ng bedroom voice nito na ipinarinig sakanya
Naisip nanaman tuloy niya ang halik na namagitan sakanila kanina. Nagustuhan rin ba nito kung paano siya humalik? Baka hindi? Baka nadismaya ito?
"P-Pasenya kana hindi yata ako masarap makipaghalikan. N-Nadismaya ka ba?" Lakas loob na tanong niya
Natigilan ito sa paglakad dahil sa kanyang tanong.
"Bakit naman ako madidismaya sa ganoon kasarap na halik?" Tanong rin nito habang seryosong nakatingin sakanya
Nais niyang batukan ang sarili niya, kakakilala palang niya sa lalakeng ito at paghahalikan na agad ang topic nila?
"B-Baka lang kasi nadismaya ka" Nag-iwas siya ng tingin at nagkunwaring tumitingin ng mga bracelet na tinitinda sa gilid
May mga restaurant at bar sa gilid ng isla. Marami rin mga nagbebenta ng kung ano anong souviniers .
Nagulat siya ng hapitin ni Rence ang kanyang bewang at halikan siya sa kanyang mga labi
Narinig niyang napasinghap ang ilang taong nakatingin sakanilang dalawa. Itutulak sana niya si Rence ngunit hindi nakinig ang kanyang sariling katawan
Para bang may sariling isip ang mga kamay niyang pumulupot agad sa batok nito at muling siyang nakipag-laro sa dila ni Rence.
Hindi niya alintana kung maraming tao ang nakakakita sakanilang dalawa ng binata
All she cares about is his damn kisses! Ang sarap nitong humalik!
"Nako sir ma'am doon na kayo sa kwarto niyo maglampungan at huwag ho dito sa tapat ng tindahan ko"
Kung hindi pa sila sinaway ng tindera ng mga bracelet ay hindi pa sila titigil sa paglalaplapan ng binata
"S-Sorry po" Hiyang hiyang paghingi niya ng paumanhin sa tindera
Parang gusto niyang lumubog sa lupa ng makita niyang pinapalibutan na sila ng ilang tao sa paligid
Napangisi naman si Rence at hinawakan ang kanyang kamay upang umalis roon.
"Let's go babe" Patakbo silang umalis sa tapat ng tindahan na iyon habang magkahawak ang kamay nila
Pareho silang hiyang hiya at natatawa sa nangyari. Ngayon lang siya nakakagawa ng mga nakakalokang bagay sa kanyang buhay at aaminin niyang masaya rin pala gumawa ng mga kabaliwan
"Hmm, Do you want to swim?"
Tumango siya. Mag-aalas dos palang siguro ng tanghali kaya mataas pa ang araw. Hindi naman siya natatakot mangitim dahil balak niya talagang magpaitim kahit kaunti
Dinala siya ni Rence sa dagat upang maligo roon. Napalunok siya ng maghubad ito ng short nito at tanging swimming trunks nalang ang natira nitong saplot
Iniwasan niyang mapatingin sa bukol na nakaumbok sa gitnang bahagi ng trunks nito
Ano iyon? Bakit ang laki?
Ipinilig niya ang kanyang ulo upang hindi na isipin pa ang malisyosong bagay sa kanyang isip
Naghubad rin siya ng kanyang kulay puting cover up. Lumantad sa paningin ni Rence ang tunay na ganda ng kanyang katawan, although kanina pa nito napansin na sexy siya. Napalunok parin ito ng mapatingin sa ganda ng hubog ng kanyang katawan. Lalo na sa malulusog niyang dibdib
Nag-init tuloy ang kanyang katawan dahil sa paraan ng pagtingin ni Rence sa bandang dibdib niya.
"T-Tara swimming na tayo!"
End of Flash back
Nagpabalik ng diwa ni Yumi ang magandang flight attendant na yumugyog sa kanyang balikat. Nananaginip kasi siya ng gising habang binabalikan niya sa kanyang ala-ala ang mga tagpong kasama niya si Rence sa boracay
"Miss ikaw nalang ang natitira rito sa eroplano. Kanina pa po nagsibabaan ang mga pasahero. Narito na po tayo sa manila"