Chapter 12 Naiirita si Yumi sa sunod sunod na missed calls na kanyang natatangap mula kay Rence. Kahit denelete na niya ang numero nito sa kanyang cellphone ay tila nakabisado naman iyon kaya naman alam niyang ito ang paulit-ulit na tumatawag sakanya mula pa kanina Napilitan tuloy siyang i-power off ang kanyang cellphone dahil malolowbat na siya kakatawag nito sakanya Aaminin niyang natutukso siyang sagutin ang tawag nito. Pero hinding hindi na niya iyon gagawin. Pipigilan niya ang kanyang sarili na mamiss ito. Dahil alam niyang iyon ang tama Huminga siya ng malalim bago niya ipinasok sa kanyang bulsa ang cellphone niya Kakain muna siya ng tanghalian dahil hindi pa siya nagtatanghalian. Saglit lang kasi sila ng ate Fiona niya sa mall kaninang umaga at sumama agad ang pakiramdam nito