Chapter 11 "A-Ate" "O'Yumi bakit?" Lumapit si Yumi sa kinauupuan ng ate Fiona niya. Nag-titiklop na ito ng mga bagong damit ng baby na pinamili nila kanina sa mall. Niyaya kasi siya ni Fiona na mamili daw sila ng mga gamit ng baby nito. Saglit lamang sila sa mall dahil napagod agad ang ate Fiona niya. Excited siguro ang ate niya kaya kahit maliit at flat pa ang tiyan nito ay sabik na itong bumili ng mga damit ng baby. "Ate may sasabihin sana ako sayo.." Nakayuko niyang sambit habang inuusig ng konsensya ang isip at puso niya Umupo siya sa tabi nito. Simula kasi ng malaman niyang si Rence at ang fiance ng ate Fiona niya ay iisang tao lamang, nagsimula na siyang makaramdam ng konsensya. Hindi niya akalain na makakagawa siya ng isang bagay na maaaring makasira sa kanilang magkapatid.