Chapter 24 Walang tigil sa pag-hikbi si Yumi habang nasa loob siya ng kotse ni Terence. Katabi niya ito sa backseat habang ang dalawang bodyguards nito ang nasa harapan. Malalaki ang katawan ng mga tauhan nito na para bang mga bouncer sa night club. Nakakatakot ang mga ito. Ngunit ang ikinababahala niya ay hindi tungkol sa sarili niya bagkus ang pamilya niya ang iniisip niya sa ngayon Ipinagdarasal niya na huwag sana mastress ng husto ang ate Fiona niya at mga magulang niya sa naging eksena kanina sa loob ng kanilang bahay Kinuha kasi siya ng sapilitan ni Terence sa mga magulang niya. Hinding hindi na daw siya niyo isasauli dahil siya ang kabayaran sa panlolokong ginawa ng ate Fiona niya Hindi niya maintindihan kung bakit pinagbibintangan siya nito na kasabwat raw siya ng ate niya k