Chapter 25 Malayong malayo sa pangarap na kasal ni Yumi ang nangyayari ngayon sakanya. Para lamang siyang nasa isang business meeting kasama ang lalakeng magiging asawa niya Walang iba kundi si Terence Hoffman. Hindi niya mawari kung galit ba ito o malungkot o pareho? Dahil kahit blangko ang pinakikita nitong emosyon ngayon ay napapansin parin niya ang malungkot nitong mga mata Nakaupo lamang sila sa tapat ng judge na mag-kakasal sakanila. Gwapo rin ito katulad ni Terence. Mukhang kaibigan nito ang hukom na iyon. Wala halos nagsasalita sakanilang tatlo habang hinihintay nila ang magiging witness ng kanilang kasal. Hindi daw kasi sila maaring ikasal na silang dalawa lamang. Ayaw namang pumayag ng judge na maging witness nila ang mga body guards ni Terence na nasa labas ngayon ng pri