Chapter 30 Napaungol si Yumi nang maramdaman niyang may malamig na bagay ang humahalik sa kanyang labi. Naalimpungatan siya dahil tila may sumisipsip ng labi niya? Nanunuot sakanya ang fresh breath ng taong humahalik ng dahan dahan sa kanyang labi Napaawang ng kaunti ang kanyang bibig. Naramdaman niyang mas lumalim ang halik na iginagawad ng taong iyon sakanya. Mabango ang hininga nito na para bang kakasipilyo lamang? "Hmm.." ungol niya Dahan dahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata upang makita kung sino ang taong humahalik sakanya. Ngunit wala namang tao sa buong kwarto. Kinusot niya ang kanyang mga mata bago siya bumangon sa king size bed kung saan sila natutulog gabi-gabi ni Terence May narinig siyang kaluskos sa labas ng kanilang kwarto ngunit binalewala lamang niya iyon. Nagt