Chapter 29 "Tatlong araw kang di pumasok sa trabaho mula ng ikasal ka. Mukhang nilumpo mo na yata ang misis mo?" Hindi pinansin ni Terence ang pang-aasar ng kanyang pinsan na si Cody. Narito sila ngayon sa bar ng pagmamay-ari ng isa pang pinsan nila. Sapilitan lang siyang inaya ng mga ito, sinundo pa talaga siya ng mga ito sa kanyang condo unit upang sumama lang siya. "Correction, pumasok siya nung unang araw pagkatapos niyang ikasal pero nag-half day at kinancel pa ang meeting kay Mr.Cuangdo" Natatawang sagunda naman ni Calix habang nag-iinuman sila. They were already drunk. Halata na ang pamumula ng mga pisngi ng kanyang mga pinsan. Palibhasa mga tisoy sila kaya naman namumula ang kanilang nga pisngi sa tuwing nalalasing Idagdag pang kumukulit na ang mga ito. Well, makulit nam