Chapter 28 "Boss saan ho namin ilalagay to?" Tanong ng bodyguard ni Terence nang makababa sila ng sasakyan nito. Naroon sila ngayon sa parking lot ng isang sikat na mall. Malapit lamang iyon sa pinang-galingan nilang restaurant kung saan sinundo siya ni Terence habang kausap ang ate Fiona niya at si Yoshi. Napatingin sila sa maletang hawak hawak ng bodyguard ni Terence Namilog ang kanyang mga mata ng makilala niya ang maletang iyon! Iyon ang maleta niya! "What's that?" kunot nuong tanong ni Terence habang nakapamulsa ito sa dalawang bulsa ng pants nito "Maleta po?" Binigyan naman ito ng isang naiiritang tingin ni Terence "I know. Alam kong maleta yan. Pero saan galing yan?" Kunot nuong tanong ni Terence Napakamot naman sa ulo nito ang bodyguard at lumapit sakanilang dalawa haba