Chapter 40 Napapanguso si Yumi sa isang gilid ng simbahan habang pinapanuod ang paglalambingan ni Terence at Sofia sa di kalayuan Nakakairita. Pinupunasan ni Sofia ang nuo ni Terence gamit ang panyo nito. Kasalukuyan kasi silang nag-rerehersal para sa gaganaping kasal ni Happy at Yoshi. Nakakainis. Hindi naman sila yung ikakasal pero daig pa nila maglambingan yung mga ikakasal. Agaw eksena ang mga bwisit-- Himutok ni Yumi sa sariling isip habang nakatingin siya sa dalawa Nag-iwas siya ng tingin sa mga ito nang lumingon si Terence sa gawi niya Pinigilan nitong mapangiti nang makita nito ang pagsimangot niya at pag-ikot ng kanyang mga mata. "Ate yumi ayos ka lang ba? Baka pagod kana?" Kinalabit siya ni Happy. Napansin siguro nito ang pananahimik niya sa isang gilid habang naka-up