Chapter 39 Halos isang oras nang umiiyak si Yumi sa loob ng kanyang hotel room. Hindi parin mabawasan ang bigat ng kanyang loob simula ng tumakbo siya palabas ng kotse ni Terence. Ang sakit. Ang sakit sakit. Parang gusto niya munang ilabas ang puso niya mula sa kanyang katawan upang hindi na niya maramdaman ang bigat at kirot na nagmumula doon. Napakasakit para sakanya ang harap-harapan siyang itaboy ni Terence sa buhay nito. Alam niyang may kasalanan siya dito dahil iniwanan niya ito ng biglaan noon, ngunit hindi pa ba sapat ang araw araw na pangungulila niya sa taong ito? Hangang kailan ba siya dapat masaktan? Nagmahal lang naman siya. Minahal niya lang naman ito noong unang beses niyang masilayan ang mga ngiti nito. Masama ba ang ginawa niyang iyon? Masama bang maging masaya s