Chapter 9 TERENCE POV "Mamamanhikan tayo anak hindi makikilamay. Bakit naman nakabusangot yang mukha mo?" Tinapik ng kanyang mommy ang kanyang balikat habang nasa biyahe sila papunta sa bahay ng babaeng nabuntis niya. Mayroon silang private family driver na nag-mamaneho para sakanila. Nasa harapan nakaupo ang kanyang daddy samantalang tatlo naman sila ng kanyang mommy at bunsong kapatid ang nakaupo sa likuran bahagi ng kanilang kotse "Oo nga kuya Ace! Para kang may malaking problema eh?" Segunda pa ni Happy. Ang kanyang bunsong kapatid. "Pagod lang siguro ako" Maiksing dahilan niya. Ngunit ang totoo ay wala na talaga siya sa mood magpunta pa sa bahay nila Fiona. Mula kasi kaninang tanghali ay badtrip na siya. Sumama ba naman kasi sa ibang lalake ang baby girl niya. Ang mas kina