Chapter 8 YUMI POV Last night. "Ma'am sukli niyo po" "Salamat po manong. Pero keep the change nalang po" Ngumiti ang matandang taxi driver kay Yumi ng sabihin niyang hindi na niya kukunin ang kanyang sukli. Nagmamadali na rin siyang makababa ng taxi dahil lagpas alas-dose na ng gabi. Sa tanda niyang bente kwarto ay hindi parin siya sanay umuwi ng disoras ng gabi lalo na't strikto ang kaniyang mga magulang. Kahit nga nasa Japan siya ay palagi parin siyang monitor ng mga ito sa pamamagitan ng video calls. Kinakabahan siya dahil baka mahalata ng kanyang parents na nakipagtalik siya ngayon gabi. Hindi pa naman siya sanay magsinungaling sa parents niya. Pagkababa niya ng taxi ay nagpasalamat pa muna ang matandang taxi driver sakanya bago ito tuluyang umalis Napa-sign of the cross na