Chapter 7
"Son, tumawag sa akin ang parents ni Fiona. They invited us for a dinner tonight. Nahiya nga ako dahil sila pa ang nag inbita saatin. Malapit na ang kasal niyo ni Fiona pero hindi pa namin siya nakikilala up until now."
Napalunok si Terence sa sinabi ng kanyang ama na si Noah Hoffman. Minsan lang ito maligaw sa kanyang kumpanya dahil madalas itong nasa ibang bansa kasama ang mommy yaya niya.
Yes his mom's name is Yaya. Iyon talaga ang ipinangalan sa mommy niya ng grandparents niya.
Kaninang umaga ay maganda ang gising niya palibhasa nakascore siya ng malupit kay Yumi kagabi.
She will always be his best s*x ever. Napakasarap talaga nitong katalik at sa tingin ni Terence ay hinding hindi siya magsasawa sa baby girl niya. Her body is all that he wanted. Lahat ng hinahanap niya sa katawan ng isang babae ay nakay-Yumi na.
He likes her body type alot. Hindi mataba pero hindi rin ito payat. Nasa tamang pwesto ang bawat laman nito sa katawan lalong lalo na sa malulusog nitong mga dibdib.
Firm na firm ang dalawang bilog nitong dibdib na napakalambot. Hindi iyon sobrang laki na nakakatakot na sa laki pero malaki iyon na saktong sakto lang sa size ng boobs na gusto niyang pang-gigilan.
Ayaw niya kasi sa mga babaeng flat chested. Ewan ba niya pero hindi siya natuturn on sa babaeng walang dibdib. Ayaw rin niya ng giantic boobs. Ayaw niya ng ganoon. Gusto niya ay yung boobs na may laman at masarap lamasin. Iyon ang boobs ni Yumi.
Well, aside from her boobs, gustong gusto rin ni Terence ang maamong mukha ng dalaga. Kakaiba ito sa lahat ng babaeng nakilala niya.
Maganda ito lalo na kapag nakangiti. Ngunit lumalabas parin ang pagiging cute nito sa tuwing naglalambingan silang dalawa. He likes it. Gustong gusto niya ang pagpapacute nito sakanya at ang pagiging sexy nito at the same time.
Kumbaga, Jackpot siya sa babaeng iyon. Gusto na nga niya itong itago nalang sa condo niya kung maaari eh!
"Son! Are you listening to me or not?"
Nagbalik ang kanyang huwisyo ng katokin ng daddy niya ang center table sa gitna ng kanyang opisana.
Naroon kasi ito para lamang sabihin sakanya na mayroon silang dinner mamayang gabi sa bahay nila Fiona. Ang babaeng hindi niya naman talaga kilala pero nabuntis niya.
"Mamamanhikan tayo mamaya. Sabay sabay na tayong pumunta sa bahay nila." Final na wika ng kanyang daddy bago ito tumayo sa pagkakaupo nito sa sofa.
Mayroon kasi siyang mini living room sa loob mismo ng kanyang opisina.
Napalunok siya at wala siyang masabi na kahit ano. Natatakot kasi siyang madismaya ang daddy niya sa kanya.
"O-Okay dad" Pagsangayon niya
Kahit gusto niyang sabihin sa daddy niya na pinapaimbestigahan niya pa ang babaeng iyon. Hindi kasi siya kumbinsido kung siya nga ba ang ama ng dinadala nito.
Pero may bahagi sa kanyang puso ang gusto rin magkaroon ng anak. Kaya nga hindi pa siya nakakapagpa-DNA test dahil natatakot rin siyang malaman na hindi niya anak ang dinadala ni Fiona
"See you tonight. Bumili ka ng flowers para kay Fiona and kami na bahala ng mommy mo sa mga pagkain na dadalhin natin. Isasama ko rin si Happy, para maramdaman naman ng pamilya ni Fiona ang suporta namin sa kasal niyo"
Si Happy ang bunso nilang kapatid na babae. College student palang ito at mas pinili nitong mag-aral rito sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa.
Hindi katulad nila ng iba pang mga kapatid niya. Halos lahat sila ay sa amerika nakapagtapos ng pag-aaral.
"Okay dad"
Tinapik ng daddy niya ang kanyang balikat bago ito lumabas ng kanyang opisina.
Napahilamos agad siya sa kanyang mukha gamit ng kanyang mga palad dahil sa frustration na kanyang nararamdaman
Shit.
Mapipikot na ba talaga siya?
Pero paano nga kung anak niya talaga ang batang dinadala ni Fiona?
"Ace nakasalubong ko si tito Noah ah? Anong ganap?" Tanong ni Calix. Ang pinakachismoso niyang pinsan. Kakapasok lang nito sa kanyang opisina. Kasosyo niya ito sa mga negosyo kaya nga parang best friend na rin niya ito. Lahat halos ng kanilang negosyo ay magkasosyo sila.
Pasaway man ito ngunit halimaw ito pagdating sa negosyo. Lahat halos ng negosyong pasukin nilang dalawa ay nagtatagumpay.
May business meeting sila kaninang umaga kaya naman narito pa ang ugok niyang pinsan
"Mamamanhikan raw kami mamayang gabi" Napapahilot siya sa kanyang nuo dahil parang sumakit bigla ang ulo niya
"Bakit hindi mo kasi sabihin sa daddy mo na pinipikot ka lang nung babaeng yun?" Seryosong tanong ni Calix sakanya dahil siguro ramdam nitong wala siyang gana makipagbiruan ngayon
"I can't. Wala pa akong proweba. Ayoko rin maging judgemental kay Fiona. Gusto ko sana munang malaman kung anong rason niya behind everything. Kaso ang bilis ng araw shit.." Muli siyang napahilot sa sintido ng kanyang ulo lalo lang siyang nastress
"Paano hindi bibilis? Imbis kasi asikasuhin mo yang problema mo sa nabuntis mo, inuna mo pa ang pagbabakasyon sa boracay?"
Napabuntong hininga siya
"Pina-iimbestigahan ko naman. Kaso parang ayoko rin malaman eh."
"What do you mean?"
"Parang gusto ko rin maging tatay nung batang yun. Naeexcite ako na ewan"
"E paano nga kung hindi mo naman pala anak yun?"
Napabuntong hininga siya.
"Nung tumawag si Fiona sakin nung nasa boracay ako at sinabi niya sakin na dinugo daw siya, Para akong mamamatay sa takot. Ayokong mawala yung bata sa tiyan niya. Kahit di pa ako sigurado kung anak ko ba yun o hindi.."
"Ibig sabihin na-attach ka sa ideya na magiging tatay kana. Edi huwag mong pakasalan, panagutan mo lang yung bata. Sustentohan mo at--"
"I can't do that. Ayokong bigyan ng broken family ang anak ko. Ayoko rin madismaya si daddy sakin kapag inabanduna ko ang mag-ina ko. Alam mo namang pinag-daanan yan ni daddy kaya hindi ko iyan gagawin sa anak ko"
"Oo nga pala. Ang hirap naman ng sitwasyon mo lalo akong nagiging gwapo"
Napailing nalang siya dahil dinaan nalang ni Calix sa biro ang problema niya.
"Anyway, Kamusta gabi mo? Tangna ka ang sexy nung kasama mo kagabi ah. San mo nakilala yon? Pakilala mo nga ako baka may kapatid pa yon"
Napasimangot siya. "Loko ka akin lang siya magkakatalo talaga tayo pag-pinormahan mo baby girl ko"
Tumawa si Calix dahil binato niya ito ng isang nilukot na papel.
"Takot na takot ka naman. Palibhasa alam mong mas gwapo ko sayo eh"
Tumawa lang siya at napapailing sa kalokohan ni Calix.
"Pero walang biro Ace, jackpot na jackpot ka sa babaeng yun ah. Naunahan mo lang ako eh ganon rin sana type ko--"
Hindi na ito natapos sa pagsasalita dahil muli niya itong binato ng nilukot na papel sa mukha nito.
"Lumayas kana nga dito. Marami pa akong gagawin"
Mabuti naman at tinantanan na siya nito. Inaya siya nito na mag-inom mamayang gabi pagkatapos daw niyang mamanhikan pero sinabi niyang may lakad siya.
Ofcourse may usapan sila ni Yumi na magkikita sila mamayang gabi.
Bigla niya tuloy namiss ang baby girl niya.
Naiinis siya kay Calix ng kaunti dahil napansin rin nito ang kagandahan ni Yumi. Bakit kaya parang gusto niyang ipagdamot ang dalaga kahit kaninong lalake?
Ayaw muna niyang isipin ang dahilan dahil marami na siyang problema sa ngayon.
Tinawagan muna niya ang imbestigador na inupahan niya upang alamin ang katotohanan sa nangyari noong gabing malasing siya sa bar at magising na kasama na niya si Fiona.
Wala pa raw itong update sakanya dahil inaayos pa raw ang cctv sa bar ni Zacary. Pambihira, night bar pa naman iyon na pagmamay-ari ng pinsan niyang si Zacary.
Mayamaya pa ay tinawagan naman niya si Fiona.
"Hello Honey! Mabuti naman at tumawag ka--"
"Your parents invited us for a dinner tonight." Putol niya sa mga sasabihin pa ni Fiona.
Kung umasta kasi ang babae ay para bang matagal na silang magkasintahan. Ni-hindi pa nga niya ito sinubukan halikan. Hindi niya ito type. Masyado itong matangkad at payat. Ayaw niya sa ganoong tipo ng babae. Gusto niya yung medyo may laman katulad ni Yumi.
Hindi niya rin type ang magandang mukha ni Fiona. Oo nga't maganda ito ngunit walang dating sakanya.
Minsan lang siya magkagusto sa isang babae. Noong high school siya ay nagkaroon siya ng crush at ang pinakamatindi niyang naging crush ay si Yumi. Naging crush niya agad ito noong unang beses niya itong makita sa boracay.
"Ah oo heto nga naghahanda na kami nila papa at mama. Narito na rin ang kapatid ko kakauwi lang niya rito sa Pilipinas galing siya sa Japan. Para lamang sa kasal natin kaya siya umuwi--"
"I'm busy. Tumawag lang ako para sabihin sayo na pupunta kami mamaya sa bahay niyo. Huwag mo sana ikukwento sa parents ko kung paano tayo nagkakilala. Mag-imbento ka nalang pagtinanong ka nila. Ayokong mag-alala at mag-isip pa ang parents ko."
"A-Ah okay sige mag-iingat ka jan honey ha?"
Napabuntong hininga siya bago niya pinutol ang kanilang koneksyon.
Paano kaya siya magpapakasal sa babaeng hindi man lang niya nobya?
Hindi niya girlfriend ang babaeng papakasalan niya for God's sake!
Pero hangat maari ayaw niya talagang bigyan ng stress at problema ang parents niya.
Lalo na ang daddy niya.
Sensitive pa naman ang daddy niya pagdating sa issue ng pagkakaroon ng anak. Ayaw nitong maranasan ng apo nito ang naranasan nito noon.
Anak sa ibang babae kasi ang daddy niya. Kaya nga hangang ngayon kahit hindi man sabihin ng daddy niya ay alam niyang dinadala parin nito ang issue na iyon.
Kaya nga kabilin-bilinan nito sakanilang magkakapatid na huwag na huwag silang tatakbo sa kanilang responsibilidad.
Napatingin siya sa kanyang cellphone ng tumunog iyon.
Baby girl is calling...
Napawi agad ang kanyang lungkot ng mabasa niya palang ang pangalan ng babaeng nagpapasaya sakanya.
"Hello baby girl.." Sagot niya
"Hello? Rence, Narito ako sa tapat ng condo unit mo. May niluto kasi ako para sayo. Surpresa ko sana for you. Kaso wala ka pala--"
"Oh. Nasa work ako baby. But pwede naman akong umuwi agad diyan right now. Mahihintay mo ba ako?"
Napatayo agad siya sa kanyang upuan at nagmamadaling shinut-down ang kanyang computer at ipinasok sa drawers ang mga folders na nasa lamesa niya
"Iiwanan ko nalang dito sa tapat ng pinto yung ulam na dala ko. Huwag kana umuwi--"
"No. I want to see you so bad. Papunta na ako diyan. Hintayin mo lang ako ha? paliliparin ko yung kotse ko"
Nagmamadali siyang lumabas ng kanyang opisina. Sunodsunod niyang pinipindot ang push button ng elevator dahil sa kanyang pagmamadali.
Napapatingin tuloy sakanya ang iba niyang mga empleyado dahil tila nagmamadali siya.