Chapter 35 "Ano anak anong nakalagay diyan?" Natulala nalang si Yumi habang nakatingin sa papel na hawak hawak niya. Cenomar iyon na nagpapatunay na isa parin siyang dalaga at walang asawa sa batas. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa ng makita niyang single parin ang status niya at hindi nga nakarehistro ang kanilang kasal ni Terence "Patingin nga anak! Natulala kana diyan eh!" Inagaw ng kanyang mommy ang hawak hawak niyang papel. Napamura ito ng mabasa rin ang nakasulat roon "Sinasabi ko na nga ba! Hudas talaga iyang Hoffman na iyan! Binahay bahay ka tapos hindi naman pala totoo ang kasal niyo?!" Naghuhuromentado at gigil na sambit ng kanyang mommy Napapatingin tuloy sakanila ang mga taong nakapila rin. Naroon sila ngayon sa mismong PSA office kung saan maaaring mag reque